Chapter 36

689 22 3
                                    

Mr. Juancho Lim's POV

Nasa opisina ako ngayon, namomroblema kung paano mapapapayag ang Pandora's Box na makipag-merge sa company ko.

Sikat na sikat ang Pandora's Box ngayon, sila ang nangunguna sa sales. Kailangan ko sila kasi unti-unting nalulugi ang kompanya ko.

Hindi ko masabi sa anak ko na nalulugi na kami. Nasanay na siya sa marangyang buhay, paano ko siya sasabihan na magtipid? Na wag shopping ng shopping?

*tok* *tok*

"Pasok."

"Hm, sir nakita niyo na po ba ito?" Sabi sa akin ng sekretarya ko at iniabot sa akin ang kanyang cellphone.

"Si Margaux to ah?"

Hindi ako makapaniwala sa napapanood ko, si Margaux may sinasabunutang babae, naka-live pa.

Dali-dali akong pumunta sa school na pinapasukan ni Margaux. Nang makarating ako sa kinaroroonan nila, saktong bumagsak naman yung babae.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung anu-ano ng tumatakbo sa isip ko.

Nang makita ako ni Margaux, dali-dali siyang pumunta sa akin at sinabing hindi niya sinasadya yung nangyari.

Eto na naman ba tayo Margaux? Pangalawang beses mo na tong ginawa. Paano kita pagtatakpan ngayon kung nakavideo ang buong pangyayari?

Nung dumating yung ambulansya, hinila ko si Margaux at isinakay sa kotse. Sinundan namin yung ambulansya hanggang ospital.

Nakakapagtaka lang, dinaretso agad sa Operating Room.

Iniwan ko muna si Margaux sa labas mg Operating Room at nagpunta ako sa may billing para sagutin lahat ng gagastusin dito.

Pag mamalasin ka nga naman, nalulugi na nga, mapapagastos ka pa ng malaki.

"Excuse me." Bungad ko sa cashier.

"Yes po? Ano pong maitutulong ko sa inyo?"

"May babaeng dinala ngayon-ngayon lang sa operation room. Gusto ko sanang bayaran lahat ng magagastos niya." Eto lang ang naisip kong paraan dahil sa ginawa ng anak ko.

"Yung galing sa Mason University po ba?"

"Oo, siya nga."

"Okay na po yung bill sir, settled na po lahat ng gagastusin niya dito." Pagkatapos ay nginitian ako nung cashier.

"Paanong settled? Kakarating lang namin dito, wala naman siyang ibang kasama para magbayad?" Pagtataka kong tinanong sa kanya.

"Sorry sir, hindi ko kayo masasagot. Confidential na po yon."

Naglakad na ako pabalik sa operation room. Di ko talaga maisip kung paano na-settle yung bill? Wala pa namang ibang taong dumarating para magbayad.

Eto na nga lang ang magagawa kong tulong para dun sa babae, hindi ko pa magagawa. Kahit kailan talaga, sakit sa ulo ko si Margaux. Pero hindi ko naman siya pwedeng pabayaan, siya lang ang nag-iisa kong anak.

Tumigil muna ako sa may canteen at kinontak yung kakilala ko na may access sa social media.

"Hello." Bati ko.

"Oh, napatawag ka?"

"May problema ako." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Yung video ba ni Margaux?"

Nagulat ako sa sinabi niya, "Nakakahiya man, pero oo yun nga. Pwede bang burahin sa lahat ng social media yung kopya nung video?"

"Oo naman, akong bahala."

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now