Chapter 20: The Truth

Start from the beginning
                                    

Nabaling ang tingin ko kay Reanna na nagsalita na puno ng concern kay Binx. Hindi ko maiwasang maging bitter dahil sa tinuran niya. Ano, may namuo na ba agad sa kanila?

"Sana ako na lang pala si Binx, 'no?" Hindi ko maiwasang magsalita.

Nakita ko rin ang bahagya nilang pagtigil sa sinabi ko. Umiwas ako ng tingin at matapang na sinabing...

"Dahil kahit papaano ay concern ka... but I hate the part that Binx f*cked you-"

"Eve!"

I looked at Binx full of jealous and pain but I guess, he didn't notice it.

"What? I'm just saying the f*cking truth, Binx."

Kahit ngayon lang Binx, kumampi ka naman sa akin. Pansinin mo naman ang sakit na nararamdaman ko. Pansinin mo naman ang pangungulila ko sa 'yo... kahit ngayon lang. Pero bakit parang ako pa ang nagmumukhang kontrabida ngayon? Why do I need to be for their mistake?

"That's not the right word to describe it, Eve," malamig na tugon niya saka itinapon sa basurahan ang kalat na ginawa ko kanina. Kalat ko nalilinis niya pero 'yong kalat na ginawa niya hindi niya malinis?

"Then, what is the 'right' word or term? Eh, wala namang 'tama' sa ginawa niyo." Note the sarcasm here. Damn it! I can't help to get angry at them more lalo na ngayong depensadong-depensado ni Binx si Reanna samantalang ako? Oh, I pity myself.

"Eve..." si Reanna naman.

"I'm not talking to you, b*tch!" gigil na sabi ko sa kanya saka ulit bumaling kay Binx na ngayon ay parang sasabog na sa galit. Gusto kong matawa pero the fact na sa 'kin siya galit... masakit. Ngayon ko lang din natawag na b*tch si Reanna na walang halong humor and I admit, may parte sa 'kin na nasaktan ako sa mga sinabi ko pero hindi ko na iyon mababawi pa.

"I'm here to apologize and to tell you the truth."

Ayokong pumikit dahil baka kasabay 'non ang pagbuhos ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan bagkus ay lalo ko lang tinatagan ang sarili ko na makipag-usap sa kanila. Napakuyom na lang ako at napakagat sa labi. Damn it! Bakit ka pa pumunta rito Reanna? I don't need your explanation!

"What truth? Na in love ka kay Binx at balak mong agawin siya sa 'kin dahil alam mong wala akong laban? Alam ko na Reanna, narinig ko sa pag-uusap ng tatlong estudyante. Kitang-kita ko rin ang kababuhayang ginawa niyo sa teacher's table. Ano pang totoo ang sasabihin mo, ha? Nakita at naramdaman ko na lahat. Kulang pa ba?"

Lumipas ang ilang minuto na walang ni isang nagsalita sa amin. Sinubukan kong bumangon pero bigla akong nanghina kaya hindi ko mapigilang mapapikit sa sakit na nararamdaman ko. Nahiga na lang ulit ako at tumalikod sa kanila. Hindi ko maintindihan pero kakaibang sakit sa katawan ang nararamdaman ko. Ano 'to?

"Eve, I... I'm sorry. I'm so sorry. Walang kasalanan si Binx. Kasalanan ko ang lahat. Naging makasarili ako at nagawa kong mainggit at magalit sa 'yo. I'm sorry, Eve... I'm sorry. Patawarin mo ako. Mali ang mga naisip at nagawa ko sa 'yo. Sana... sana hindi naapektuhan ang pagkakaibigan natin. I... I'm really really sorry Eve... I mean it. Please forgive me..." utal-utal na sabi ni Reanna. Ramdam ko rin na ang lapit-lapit niya na sa 'kin. Feeling ko ilang inches na lang ang layo namin.

Nagulat ako sa biglaang paghawak niya sa kamay ko kaya agad akong napabalikwas. Tinitigan ko siya ng masama.

"Alin 'don ang totoo, Reanna? Ito ba... ito bang pinapakita mo ngayon sa akin ay totoo?"

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now