Chapter 20: The Truth

Mulai dari awal
                                    

"Eve, please..."

"What?! Gusto mong maniwala agad ako sa 'yo at patawarin ka?! At... ibalik lahat sa dati na parang walang nangyari?! Ganoon ba, Reanna?! Ganoon ba?! Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon, matatanggap mo ba agad ang nangyari?! Hindi, 'di ba?! Kaya huwag na huwag mo akong pangunahan dahil wala kang alam sa nararamdaman ko! Ginusto mo ang nangyari dahil hindi iyon mangyayari kung walang nag-initiate sainyo! Tapos ngayon ako pa ang pagmumukhain niyong masama?!"

Napahawak ako dibdib ko nang makaramdam ako ng kakaibang kirot dito. Lalapitan sana ako ni Binx pero sinenyasan ko siya na huwag. Ayokong mahawakan niya ulit ako pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Reanna. Masisisi niyo ba ako? Nasaktan lang naman ako. May karapatan din akong magalit at magselos.

"Eve... the truth is..."

Biglang nanlabo ang paningin ko at kinapos ako ng hininga. I tried to understand kung ano man ang sinasabi ni Reanna pero tanging pagbukas lang ng bibig niya ang nakikita ko. Binaling ko rin ang tingin ko kay Binx at nakita kong papalapit na siya sa 'kin. Dahil sa kawalan ng lakas, napahiga ulit ako sa kama pero this time, may kasamang kakaibang pakiramdam.

Nakita ko ang mukha nila pero wala na akong ibang naririnig sa paligid. Ramdam ko ang mga paghawak nila sa katawan ko pero tuluyan na akong namanhid. At sa tuluyang pagpikit ng mga mata ko, all I can see is their blurry images. Nothing more... nothing less...

***

"Mr. and Mrs. Hutton, I need you to know this..."

I need you to know this... this... this...

"Doc, anong ibig mong sabihin?"

Sabihin... sabihin...

"The truth is..."

I opened my eyes and gasped for some air. I can hardly breathe so I tried to calm myself first while gripping tight on my hospital dress underneath my blanket.

I looked around and saw my parents and Binx talking to Dr. Aguillard. Sila ata 'yong mga naririnig ko kanina. Kumunot ang noo ko at hindi ko maiwasang ma-curious sa pinag-uusapan nila. They looked so serious. Is it about me again? Oh well, wala namang bago. Minsan gusto ko na lang tawanan lahat pero masakit pa rin talaga, eh.

I tried to fake a cough and it worked! Naagaw ko ang atensyon nila at sabay-sabay pa talaga silang napatingin sa 'kin.

"Sweetie, how are you feeling? Masakit ba ang katawan mo?" alalang tanong ni mommy sa 'kin na siyang ikinakunot ulit ng noo ko.

"Bakit? Anong nangyayari?"

Bigla akong kinabahan at natakot sa mga malalaman ko ngayon. Tiningnan ko sila isa-isa at iba't iba rin ang nababakas na takot at pag-aalala sa kanilang mga mukha. What's wrong? Damn it!

"Tell me what's wrong. Alam kong may sasabihin kayo kaya sabihin niyo na."

"Eve, it's something na hindi mo kailangang malaman dahil-"

"Are you insane? Kung tungkol iyan sa 'kin, bakit hindi ko puwedeng malaman? Ano, nga-nga ako kapag mamamatay na ako sa hindi ko alam na dahilan?" I gave them a sarcastic laugh na siyang umalingawngaw sa loob ng kuwarto.

Pati ba naman sila gagawin akong tanga? Ano, wala na ba akong karapatang malaman ang lahat na tungkol sa kondisyon ko when in fact, ako dapat ang unang-unang makaalam?

"Eve, it's just that... baka mahirapan kang tanggapin ito at lalo lang itong makasama sa 'yo," malumanay na sabi ni Dr. Aguillard.

I laughed. Ngayon niya pa talaga sinabi 'yan sa 'kin kung saan marami na akong naranasang mahirap tanggapin na mga bagay? Oh, come on! I'm already immune to that. Pero hindi pa rin maaalis na masasaktan at masasaktan pa rin ako.

"Sasabihin niyo ba o hindi? Kaya ko namang tanggapin, eh. Kahit ano pa 'yang pasakit, tatanggapin at tatanggapin ko kung 'yon nga talaga ang nakatadhana sa 'kin..."

Nakaka-bitter naman 'nong mga sinabi ko. Nakatadhana na ba talaga sa 'kin ang sakit at mapait na buhay? Grabe naman. Worth it ba akong bigyan ng ganito? Worth it bang paghirapan ko ito? Kung sa iba ba, hindi? Pero bakit? Bakit ako pa? Puwede namang huwag na lang mag-exist ang mga ganitong bagay, 'di ba? Nakakagago lang kasi. Bakit pa ako nabuhay kung mamamatay din naman agad? Kung mahihirapan din naman ako dahil sa kakaibang sakit na ito? Naman oh! Paulit-ulit na akong nagtatanong ng mga philosophical questions pero ni isa sa mga tanong na iyon ay walang nasasagot. Nakakawalang-gana na. 'Yong isa pang tao na kinukunan ko ng lakas... nawala na sa akin.

May rason pa ba ako para mabuhay? Pakiramdam ko wala na...

"Ano na, Doc? I'm waiting," matabang kong sabi saka bumaling sa ibang direksyon. Ayokong nakikita ang pagmumukha ni Binx. Lalo lang akong nakakaramdam ng galit at awa para sa sarili ko.

"Eve... you have a skin cancer called melanoma caused by your therapies every week."

My heart skipped a beat at parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isipan ko 'yong sinabi ni Dr. Aguillard that it caused me to feel dizzy and numb. Naramdaman ko rin ang pag-init ng gilid ng dalawang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko na lang na lumuluha na ako habang nakatingin sa kawalan at sinisink-in pa sa utak ko kung ano ang nangyayari.

So, all this time, 'yong mga nararamdaman kong kakaiba ay dahil iyon sa pangalawang sakit ko? All this time, akala ko ang mga luha at pawis ko ang dahilan pero hindi. Ang bobo ko dahil ngayon ko lang din na-realize na hindi naman included ang tubig sa katawan ko dahil kung oo, matagal na akong wala. Kaya pala minsan nakakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib at 'yong dugo. Oh, my God! Lahat 'yon ay konektado sa pangalawang sakit ko.

Paano nangyari ang lahat ng ito? Hindi pa ba sapat ang rare allergy ko na ito? Hindi pa ba sapat lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon?

This is insane! I feel like I'm losing my mind. I feel like I'm losing myself because of my own thoughts.

Dahil sa mga nalaman ko ngayon, naramdaman ko na naabot ko na ang limitasyon ko. 

I don't want to fight anymore. 

I want to give up. 

I just wanna die.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang