Chapter 57

1.3K 62 13
                                    

Chapter 57: Glowed

Days had passed after that incident with Reena. My wounds are already healed... well not all. May natitira pang mahahapdi but I'm already recovering. Hindi na masakit yung katawan ko dahil sa ginawa niya sa akin. It's just that may mga mahahapdi pang sugat na natitira. But I already managed to go to my classes.

Pagkatapos kasi naming magkaroon ng konting pagtatalo ni Dark, he excused me from my classes. Umabot rin yung excuse na iyon hanggang tatlong araw. Hindi ako nakapasok sa mga klase ko ng tatlong araw dahil sa masakit talaga ang aking katawan.

Actually, dapat isang linggo talaga akong pagpapahingahin ni Dark dahil hindi raw ganoon kadaling gumaling pero pinilit ko talagang tatlong araw lang na umabsent at hindi na aabutin pa ng isang linggo. I know he's just worried of me and I love how worried he is for me. I am loving him more because of his concern for me. Pero kasi kaya ko naman talaga kaya ayos na yung tatlong araw na pagpapahinga.

At si Julia naman, galit na galit siya kay Reena dahil sa nagawa nito sa akin at susugurin niya sana pero agad ko naman siyang pinigilan. I truly understand Reena. I truly understand why she did this kaya dapat na hayaan na lang siya.

At sa tatlong araw ko na pagpapahinga, todo alaga si Dark sa akin. I couldn't be more thankful of him. At sa tatlong araw rin na pag-iisip, napatunayan kong mahal ko talaga si Dark. Palagi ko siyang iniisip at ayokong mawala siya sa buhay ko. Dahil kapag mangyayaring mawalay ako sa kanya, siguradong hindi ko kakayanin. I will feel like I'm dying.

Hindi ito yung naramdaman ko kay Devrin noon. I loved him before. Pero ang pagmamahal ko ngayon kay Dark, sobra-sobra pa sa naramdaman ko noon. With Dark, I feel so secured. And it feels like Dark Damier Syracuse is my life. When I think about him leaving me, I think I can't take it. I think I'm gonna die if he'll leave me.

I stayed for the whole three days in Dark's dorm. Gusto niya raw akong alagaan at gusto niya rin daw na siguraduhing safe ako. Ang sarap lang sa pakiramdam. Binibisita rin ako dito ni Julia at kasama niya si Godwin.

At ngayon, kasulukuyan kaming naglalakad ni Julia at kakatapos lang ng mga klase namin at papunta kami sa fountain area upang mag-usap tungkol sa aklat.

When we reached our destination, we sat on one of the benches. Biglang sumagi sa isipan ko ang pananakit ni Reena sa akin. It makes my head hurt just to think of what she did to me. Parang kahapon lang nangyari. I can still feel the way she hurt me... I still can feel the pain.

I immediately snapped out of my thoughts. Tapos na 'yon at dapat huwag ko ng alahanin pa. I'm healed now and that's what matters the most. Ngayon, dapat kaming mag-usap ni Julia tungkol sa aklat.

We first looked around to see if there's anyone but there's no one besides the two of us. I then started to talk. "Hindi ko pa nasabi kay Dark ang tungkol sa aklat."

"You should say it to him, Zee."

"P-Pero magagalit 'yun." Sabi ko naman dahil syempre, si Dark yun eh.

"Kung magagalit nga siya, lilipas din 'yon. Ipaliwanag mo sa kanya na kumikinang ang aklat kapag ikaw ang humawak."

Well, Julia has a point. I will just explain it to him na ganoon ang nangyari.

Magsasalita pa sana ako ng may narinig kaming ingay mula sa isang punong kahoy. Agad naming tinignan ni Julia kung ano ang nandoon pero wala naman. Bigla akong kinabahan. Papaano kung may tao pala ditong nakamasid sa amin? Oh no... please don't.

"What was that, Juls?" Natatakot kong tanong sa kaniya.

"Don't worry, Zee. It must've been the wind. Let's go now. Gumagabi na rin." Sabi niya at tumango lamang ako at umalis na kami papunta sa dorm namin.

Death UniversityWhere stories live. Discover now