Chapter 46

1.8K 70 12
                                    

Chapter 46: Beautiful

"Wait here! Don't you fucking leave. I locked the door." Sabi ni MK at pumunta siya sa kusina ng dorm niya at dali-daling bumalik na may dalang first aid kit.

Kasalukuyan akong nasa dorm niya at nakaupo ako sa sofa. Gagamutin niya raw ang sugat ko. Bakit niya pa ba ako gagamutin? Kaya ko naman, eh!

"Kaya ko naman itong gamutin! Aalis na ako." Sabi ko sa kanya.

"No. You're already here. Huwag ka nang umangal pa." Masungit nitong sambit. Tsk, nakakainis 'to!

Tinignan ko yung braso kong may pasa. Nagkukulay violet talaga siya. Masakit din siya. Syempre, sinong hinding magkakapasa kung yung pinalo sayo ay isang three-part baton?

I know, hindi talaga para sa akin ang palo na iyon. I just protected the newbie guy. But I don't feel any regrets at all. Hindi ako nagsisising niligtas ko yung lalake. He doesn't deserve to die. Ni-kaunting pagsisisi, hindi ako nakakaramdam.

"Ouch!" Daing ko ng diniin ni MK ang bulak na may gamot sa aking pasa.

"Kasalanan mo yan,"

Aba't-bwesit 'tong lalakeng 'to, ah! Hindi man lang siya nag-sorry! At sasabihin niya pang kasalanan ko!

"Huwag mo ngang idiin!" Naiinis kong sabi.

"Masakit diba? Nagpapaka-bayani ka kasi!"

"What?! Nagpapaka-bayani? No, I didn't! I saved someone by my instinct and I don't regret saving that newbie guy at all!" I exploded. Hindi ko mapapalampas ang sinabi niya. "And I'm not a heartless person to not save someone who's in harm! Nasa bingit na ng kamatayan yung lalakeng 'yon. And he's an innocent person at wala siyang ginawang masama para maranasan ito!"

Ang seryoso at galit niyang mukha ay biglang umaliwalas. Tumigil din siya sa paggamot ng aking pasa at bigla siyang yumuko.

Naguluhan naman ako sa inasta niya at tinignan ko siya mula sa kanyang pagkakayuko at may nakita akong ngiti na sumilay sa kanyang labi.

Nagsalita rin siya ng pabulong at halos hindi ko iyon maintindihan. "That's... y... irl."

Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, agad na nagseryoso ang mukha niya at umayos siya sa pagkakaupo at binalingan na ulit ang pasa ko, bumalik siya sa paggamot dito.

Ano ba ang sumanib sa lalakeng 'to at pabigla-bigla lang ngumingiti at bumubulong tapos biglang seseryoso ulit? Makaasta siya para siyang may monthly period, ha!

"Done," Tipid at cold niyang sabi makalipas ang ilang minuto.

"O-Okay, t-thanks." Sagot ko sa kanya. "Umm sige, alis na ako."

"Not so fast,"

"W-What?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Kumain ka muna,"

Parang may kung ano akong naramdaman sa puso ko. Just... what the heck?

"H-Huwag na, MK. I'm fine, hindi ako nagugutom. At isa pa, diba officer ka? Muntik ko nang makalimutan yun, ah!" I say. "May klase pa ako and I just excused myself from Mrs. Suldivar's class at kapag hindi ako pumunta doon, magtataka siya at pati na yung best friend ko. At diba, kapag hindi ako umattend sa klase ko, paparusahan mo 'ko?"

Why do I feel like I said a lot? Damn, masyado talaga akong madaldal! Oh well, at least I said what I have to say.

"What punishment do you want?" He huskily asked.

Death UniversityOnde as histórias ganham vida. Descobre agora