Chapter 19

3.4K 130 5
                                    

Chapter 19: Black Horse

Tapos na ang second period class at recess na. Nang pumunta na ako sa cafeteria para makabili ng pagkain, Selton approached me. Huh? Diba mamaya pa ang lunch time? Don't tell me ililibre niya rin ako ng recess?

"Hey, Demerine! I assume that you're here to buy food?"

"Obviously," Sagot ko naman.

He chuckled then said, "Ililibre kita,"

"What?! Hindi na!" Sabi ko sa kanya sabay iling.

"Minsan lang naman 'to. Pambawi ko na rin sayo."

"Look Selton, I'm fine. Hindi mo kailangang bumawi." I stated.

"Sige. Pero please, sabayan mo akong kumain ngayon."

Bago ako makasagot ay may kumalabit sa akin.

"Sorry ah, sabay kami kakain nitong best friend ko." Sabi ni Julia na mahigpit na hinahawakan ang braso ko.

Gosh, parang sumulpot lang siya mula sa kung saan!

"Ah ganon ba? Sayang naman, Demerine... Anyways, I'll just see you later at lunch. Walang bawian, ha? You promised me." Nakangiting sabi ni Selton.

"O-Oo. Kita na lang tayo mamaya." Sabi ko at ngumiti ako ng pilit. Nandito kasi si Julia and I know she doesn't like Selton.

"Great!" Sabi ni Selton ng nakangisi at umalis na.

Hinatak ako ni Julia palayo sa cafeteria. "Diba sabi ko sayo layuan mo na 'yung lalakeng 'yon?!"

"He's nice, Julia!" Sagot ko naman.

"He's a well-known playboy! At talagang makikipag-lunch ka pa sa kanya, ha! He's not good for you!"

"Kaya ko namang protektahan ang sarili ko! Buhay ko naman 'to! Kung may mangyari man sa aking masama, wala ka ng pakialam 'don dahil wala namang mawawala sayo!" I don't know why I said all that. But it's too late to take it all back...

"Sorry ha, concern lang naman ako dahil kaibigan mo'ko." Aniya at tinalikuran ako.

Bigla akong natauhan. Shit, what happened to me?! My best friend was just being concerned to me! I feel like I broke our friendship! Naiyak na lang ako. I shouldn't have said those words. Sabay ng pagbuhos ng mga luha ko, ay ang pagbuhos din ng ulan.

"Stupid, Zaya! It's all your damn fault!" I say while crying.

Hindi ako nababasa ng ulan dahil may kisame ang lugar kung saan ako nakatayo.

"I shouldn't have said those words! Now, my best friend is not with me! Iba na ako para sa kanya!" Sabi ko habang humihikbi.

"Hey, stop crying."

Nagulat ako sa nagsalita. I turned my attention to the one who talked. My heartbeat suddenly escalated. Siya na naman.

"A-Anong ginagawa mo rito, MK?" Tanong ko sa kanya.

"While I was... walking, I heard someone crying and it was you."

Akala ko sinundan niya ako. Napadaan lang pala siya. "J-Just leave me alone please. G-Gusto kong mapag-isa."

"Okay, I will leave you alone. But if you want someone to talk to, you know where to find me."

"A-Alright, t-thank you." Sabi ko at umalis na siya.

I cried harder. I didn't think about Julia's feelings! What I thought of is just myself! Sana inalala ko muna ang nararamdaman niya bago ako nagsalita!

I need to find her and apologize to her. This is the only way I can think of.

Death UniversityWhere stories live. Discover now