Chapter 27

2.9K 99 13
                                    

Chapter 27: Caught

"Good job, Miss Dawnt." Nagulat ako nang bumungad si Prof Lona.

"Sorry 'bout that, Prof." Walang gana kong sabi.

"Ano ka ba, Miss Dawnt? Sabi ko, 'good job'... Great job, actually. Ngayon ko lang nalaman na may maganda ka palang boses!" Nakangiting sabi niya. "Anyways, aasikasuhin ko muna ang iba." Huli niyang sabi bago umalis.

"Zee, oh my, I'm so proud of you!" Julia rushed to where I was.

"Kumain na tayo. Nagugutom na 'ko." Yaya ko sa kanya. I checked my watch and it's already eleven.

Bakit ang bilis ng oras? Pero mabuti na 'yun dahil gutom na talaga ako. Well actually, kanina pa ako nagcra-crave for sushi.

"Oh sige, alis na tayo. Anong gusto mong kainin?"

"Sushi,"

"Sushi, okay. Punta tayo sa supermarket." Aniya at hinawakan na ang braso ko.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng grocery store, lamig agad ng aircon ang sumalubong sa'min. Ang daming estudyante rito at bumibili rin.

Pumunta kami ni Julia sa 'Frozen Food Section' kung saan matatagpuan ang sushi na gusto ko. Last month 'yung huli kong kain ng sushi pero parang ang tagal-tagal ko ng hindi nakakain 'nun. I don't know, baka epekto lang 'to ng gutom.

Natagpuan ko kaagad ang sushi set na may lamang 12 pieces ng sushi.

"Zee, dito lang ako sa biscuit section, ha?"

"Okay, Juls. Kita na lang tayo mamaya. Tapos pakuha na rin ng oreo." Sagot ko at tumango lamang siya at umalis na.

Malamang bibili na naman siya ng favorite niyang chocolate chip cookies. Ako naman, oreo ang paborito ko. Nang makakuha na ako ng isang sushi set, naglakbay ako sa iba pang section nitong supermarket. Nag-isip ako, ano pa nga ba ang dapat kong bilhin?

Habang nag-iisip may nakabangga akong lalake at pagtingin ko sa mukha niya, si Selton pala.

"Demerine, hey!" He said with a charming smile.

"Hey!"

"'Yan din ang paborito kong sushi," Nakangisi niyang sabi nang makita niya ang sushi set na kinuha ko.

"Kung ganon, pareho pala tayo!" Ngumiti rin ako sa kanya.

"I haven't seen you in a while, though. Hmm... just let me pay for that."

Umiling agad ako at nagsabing, "No, I'm fine. Huwag mo ng bayaran, Selton. I have money."

"I insist. Libre ko sayo." Nakangisi pa rin siya.

"Ikaw, ah! Ang dami mo na ngang nalibre sa'kin. Okay lang talaga, Selton. 'Wag na."

"No—" Hindi napatuloy ni Selton ang sinasabi niya nang dumating si Julia.

"Excuse me lang Selton ha, but Zaya and I shall go now." Walang emosyong sabi ni Julia.

"Oh, I'm sorry... Demerine, are you sure na ayaw mong bayaran ko 'yan?"

"May pera naman kami, eh. So no need." Bago pa ako makasagot eh inunahan na ako ni Julia.

This is just awkward. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"U-Uhh, h-hindi na talaga, Selton. Okay lang. Salamat." Sabi ko na may pilit na ngiti sa labi.

"Okay, then. See you around, Demerine." He said and he winked at me before leaving.

Death UniversityWhere stories live. Discover now