Sixty One

1.1K 41 2
                                    

Neko's note: sorry isang buwan nawala si ate Neko n'yo. Busy lang talaga sa college stuff. Btw, you might want to check my two other stories: Cleaners and Not a Wall Breaker. Love youuu. ❤️

Chapter Sixty One

Ilang oras na ang nakalipas simula nang tumawag si Keanu pero heto pa rin ako, shookt sa pagtawag n'ya. Sinampal ko ang sarili ko nang mahina para mahimasmasan. May boyfriend na ako, kapatid pa n'ya. Masama 'yun. Masama ang pag-isip sa ibang lalaki. Masama mag-assume. Mahal ko si Kevin. Alam ko 'yun.

Impit akong sumigaw sa unan sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Bakit naman kasi gano'n?! Bakit kailangang bumalik at magparamdam kapag okay at masaya ka na?!

Tangina life.

Tangina Keanu.

Putang shet ka.

Wala akong mapagsabihan kasi alam kong mapapagalitan ako or worse makipag-break sa akin si Kevin na malamang ay hindi ko kakayanin. Punyeta! Bakit ba kailangan kong masaktan?! Pwede namang masaya lang ako, ha?

Gusto kong tumalon sa bangin dahil sa katangahan ko. Ayyy Zia napakatanga mo talaga.

Nakinig na lang ako ng music para mapagaan ang nararamdaman ko...

*****

Nagising ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay sa tyan ko. Napadilat agad ako ng aking mga mata.

Shet. Buti na lang pala nakatulog ako agad at nagpigil sa kakaisip ng kung anu-anong bagay. Baka kung saan pa mahantong ang pag-iisip ko.

I almost teared up when I saw Kevin beside me. Nakayakap s'ya sa akin at nakapikit. Tinitigan ko lang s'ya nang matagal. Then I smiled. You know that time when someone is beside you and you just feel the 'I am so grateful' feeling like you are so blessed to be with that someone? Yes, this is the time to feel that. Isama mo pa ang paruparo sa tyan ko na akala mo nanganganak sila kasi parang dumadami.

Ang swerte ko talaga kay Kevin. Mabait na nga sweet at ma-effort pa. Dagdag mo pa na sobrang independent n'ya. Bonus pa na pogi. Tangina.

Pinindot ko ang tungki ng kan'yang ilong. Ang sungit ng mukha ni Kevin pero kapag nakilala mo e sobrang anghel pala. I traced his red lips then his eyes. Nagulat ako nang hawakan n'ya bigla ang kamay ko. Ngumiti lang s'ya habang nakapikit.

"Akala ko hahalikan mo na naman ako, e," pabiro n'yang sabi. Pinalo ko lang s'ya sa braso. Buti na lang at nakapikit s'ya. Hindi n'ya makikita ang pamumula ng pisngi ko.

Hinigpitan pa n'ya ang yakap n'ya sa akin at hindi ko maipagkakaila na dumagundong ang tibok ng puso ko dahil dun.

"Tulog pa tayo mahaaaal," pabebeng saad n'ya habang hinihigpitan pa ang yakap sa akin. Parang bata.
"Bangon na," sagot ko kahit na sa totoo lang e kinikilig na talaga ako sa akto n'ya.

Bigla s'yang dumilat. Tinitigan n'ya ako sa mata. Matagal. Nakakatunaw. Ngayon na ganito s'ya kalapit e hindi ko maiwasang i-appreciate ang kagwapuhan ng boyfriend ko. Ngumiti s'ya ng nakakaloko and I can't help but smile, too.

"I love you, mahal ko."

Nawala ang ngiti ko nang naramdaman ko ang labi n'ya sa labi ko. Mabilis lang pero bakit ramdam ko pa rin ang mga 'yun? Tangina Kevin!!! Humagikhik s'ya na parang ang saya-saya n'ya saka tumayo.

"Good morning, beautiful," sabi n'ya. Kita ko ang pamumula ng tenga n'ya.
"Kiss stealer," bulong ko saka inirapan s'ya pero ngumiti lang s'ya nang nakakaloko. Na-realize ko bigla kung ano 'yung nasabi ko.
"Sa'yo pa talaga nanggaling, 'no?" nakakalokong saad n'ya kaya inirapan ko lang s'ya. Itinaas ko ang hinlalato ko.
"Dakyu," sabay naming sabi. Aba, ginaya pa ako!
"Abnoy," sabi ko na lang saka tumayo na.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon