Thirty Five

1.3K 59 6
                                    

Chapter Thirty Five

Zia's Point of View

Nagising ako kaya napabalikwas ako ng bangon.

Shit. Ang huli kong naaalala e nasa kotse ako nila Kevin. Sobrang antok na kasi ako nun tas galing pa ko sa iyak kaya 'di ko na napigilan.

Paano kaya ako napunta rito?

A. Binuhat ni Kevin
B. Nag-sleep walk
C. Kinaladkad ni Kevin

Posible ba ang A? Nah. Mukhang nag-sleep walk ako mula sa kotse nila.

Napatingin ako sa oras. Alas kwatro na ng hapon. Myghad. Feeling ko nabawi ko 'yung kulang-kulang kong tulog.

Napa-sandal ako sa headboard ng kama saka naalala ko ang lahat.

Ni-reject nga pala ako ni Keanu..

Tangna. Ba't nga ba kasi ako umamin?

Ramdam ko tuloy yung pamamaga ng mata ko.

Alam nga ni Sui na mare-reject ako. Bakit ba kasi ako umasa sa kakaunting possibility na yun.

Teka. BUTI HINDI PA TUMATAWAG SI SUI?? SHE'LL SRSLY KILL ME GUYS. OMG!

Hayaan na nga. I'll deal with her later.

Napatalon ako sa kama nang biglang bumukas 'yung pinto.

"Nag-eemote ako! Pro—" bulyaw ko sa kung sino mang demonyo 'yung nagbukas ng pinto saka tiningnan s'ya.

Nanlaki 'yung mga byutipul ays ko nang nakita ko ang walang emosyon na si Sui.

Gagi. Iniisip ko pa lang kanina kung ano gagawin n'ya bigla naman s'yang sumulpot. Shet! Hindi ako handa.

Guys. I'm broken hearted and I don't wanna end with broken bones too. Huhu. Haaaalpppp I don't wanna die yet huhu mommaaaaa.

"Anong nangyari?" malamig na tanong n'ya.

Gagi. Kinilabutan ako sa tono ng boses n'ya.

"U-uhm... ano... ano kasi Sui e."
"Anong nangyari?" tanong n'ya ulit nang dahan dahan.

"Umamin ako," nakayuko kong sabi.

Alam n'yo 'yung ako 'yung mas matanda pero mas natatakot ako sa kanya? Nakakatakot kasi talaga 'yung aura n'ya.

"Bakit? Bakit nagmadali ka na naman?" naiinis na tanong n'ya.
"Because I feel like I have to," I honestly said, "you see, last day na namin to sa kanila. It's just I don't know if I still have a chance to confess what I feel." Nakayuko ko pa ring sabi.

Naramdaman ko naman na papalapit sya. Ghad. She'll probably kick my ass huhu mommeeeehhh.

Sumampa s'ya sa kama.

"Hays," she said. I felt she hugged me.
"Are you okay, Zia?" she asked.

Napamaang ako dahil sa ginawa n'ya.

"It's so stupid na ginawa mo 'yun but I admire you. Don't worry. Di kita ipapabangga sa mambubuko or what."

Nakayakap lang sya sa akin.

"I know it hurts a lot to be rejected. You can cry. Don't worry. I'm all ears. Not literally though." Narinig kong sabi n'ya.

BAKIT BA INE-ENCOURAGE N'YO 'KO NA UMIYAK? NAN'YO AH??

"Masakit Sui e. Pero pagod na mga mata ko sa kakaiyak," sabi ko saka niyakap s'ya pabalik..

"Malamang. Masakit 'yan. First love mo diba?"

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon