Sixty Six

1K 42 5
                                    

Sixty Six

"So... you chose me?" tanong n'ya at nang nilingon ko s'ya ay nakangiti s'ya na abot tenga. Ang saya saya naman?

Uh-oh.

I bit my lip. Gaga ka talaga Zia! Bakit hindi mo naisip 'yan kanina???

"Uhmmm... I didn't?" sagot ko pero sa paraan ng pagngiti n'ya ay sure akong di s'ya naniniwala.
"Okay," sagot n'ya kahit naman obvious sa ngiti n'yang hindi s'ya naniniwala.

Katahimikan.

Ayan... hindi ko na naman alam kung ano sasabihin ngayon na kaming dalawa na lang. Umayos s'ya nang upo at tumabi sa akin. Malapit. Magkalapit. Nahigit ko ang aking hininga nang magkadikit ang mga balat namin. Shet. Dak. Gano'n pa rin pala talaga ang epekto n'ya sa akin. Tangna! Kakaiba talaga si Keanu, unlike kay Kevin na kalmado, sa kan'ya iba. Hindi ako mapakali.

"I thought I'd stay as a stone earlier," pagbabasag n'ya sa katahimikan. Natawa ako nang kaunti.
"Masaya kaya maging bato... wala kang nararamdaman. Chill ka lang sa tabi-tabi."
"Yeah right. Hindi ka nahihirapan sa problema. The only thing that would bother you are the people who want to kick you."

Tumawa ako. May point s'ya.

Katahimikan. Shet. Hindi ko rin kasi alam kung ano sasabihin ko rito kay Keanu, nireject ko kapatid n'ya sa harapan n'ya at yeah I subtlety confessed that I still love him!!! Sino bang hindi mahihiya/awkward-an neto?!?!?!

Narinig ko s'yang uminat. Maya-maya'y naramdaman ko ang mga braso n'ya sa balikat ko. Inilapit n'ya pa ang sarili namin sa isa't isa. Tangina! Ang luma naman ng mga galawan neto ni Keanu. Sinauna na 'to, e. Panahon pa ng lolo ko. 'Pag si Kevin 'yan nakayakap na agad sa akin 'yun. Malapit ko na isipin na linta 'yun si Kevin, e. Napangiti ako.

Inilapit ni Keanu ang bibig n'ya sa tenga ko.

"Kilig ka 'no?" bulong n'ya. Siniko ko s'ya pero imbes na bitawan ako ay lalo lang n'yang hinigpitan ang side hug (?) (Or) akbay n'ya.

Pero shet. Bakit iniisip ko si Kevin?! Zia naman! Dakyu ka!

"I'm really happy that you chose me, Zia even if it means hurting my brother," bulong n'ya ulit sa akin.

It made me shiver plus kilig plus lungkot. Kahit masaya kami ngayon e nasasaktan si Kevin.

*****

"HOY ZIANDRINA CORTEZ BREAK NA RAW KAYO NI KEVIN?!"

Tangina!

Napabalikwas ako ng bangon nang may sumigaw sa tenga ko. Shet. Dakshet. Natanggal ata mga nakabara sa eardrum ko nun ah.

Napapikit ako nang makita ko si Krista sa harap ko. Shet. Twice in a row nang may gumising sa akin para dito ah?

"Good morning din, Krista ha?" asar na sabi ko sa kan'ya.
"Zia, hindi ako nagbibiro."

Napa-straight ako ng upo nun at napaayos ng buhok kahit na irrelevant 'yun. Tinawag n'ya akong Zia at hindi bey. Shit. This is serious.

"Yes ma'am, I did." Bagamat nakasaludo ay nakayuko naman ako so parang nakasaludo ako sa kumot ko. Weird.
"Bakit????" malakas na tanong n'ya. Teka lang, feeling ko gising na talaga ako kakasigaw n'ya sa akin. Wala pang 5 minutes, o. Spare my eardrums please???
"Eh... kasi... ayoko s'yang saktan, e. 'Di ba nga mas okay na malaman n'ya agad kaysa patagalin ko at saktan pa s'ya in the long process?"
"But isn't that a bit harsh? Sabi ni Pia magkakausap daw kayong tatlo kahapon, a."
"But if I didn't do that... lalo lang masasaktan si Kevin kapag hindi ko pa sinabi ang totoo. Kasi Krista, gustohin ko man na walang masaktan sa desisyon ko, alam ko na meron, e. Kung pwede lang na ako na lang ang masaktan kaso hindi pwede. I became selfish. I want my own happiness because I know no secrets will be kept. I know  that in the end Kevin will know what I felt for Keanu and it would hurt him more because I kept it."
"Naiintindihan ko naman bey, wala namang english-an. Ang aga-aga, e." Napangiti ako dahil sa pagbibiro n'yang 'yun. Akala ko kakaladkarin na n'ya ako sa hagdan, e. "Alam ko naman na you mean no harm. Basta panindigan ang desisyon ha?" she said saka niyakap ako.
"Yes po."
"Kokotongan ko na lang si Keanu kapag sinaktan ka. Malay ko sa abnormal na utak nun, e. Jusko. Namundok lang ako kahapon pag-uwi ko ganito na."
"Kasama mo si Eric 'no???"

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon