Twenty Nine

1.5K 60 2
                                    

Chapter Twenty Nine

"Krista. May gusto ka ba kay Kevin?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Ano'ng..." Napatawa s'ya. Kung hindi mo s'ya kilala aakalain mong totoo. Isa rin 'tong mahilig magtago sa maskara e. "Ano'ng ibig mong sabihin? Ikaw ha? Kakaisip mo kay Keanu 'yan eh. Anong update sa inyo? Yieee."

Tinitigan ko lang sya. Pinapakita na seryoso ako at hindi ako maloloko ng mga ngiti n'ya.

"Can't really lie to you, can I?" umupo s'ya sa kama n'ya.
"Of course. Ano pa't best friend mo ko simula ng sperm cell tayo?"

Tumawa s'ya saka nag-sigh

"Well. Yes. I love him. Simula pa nung bata tayo."

Hinintay ko lang na magsabi s'ya. mag-vent out. I know she needs someone to talk to.

"Sa kan'ya lang ako nakatingin. Sa kan'ya lang ako may pake. Pero..."

Humiga s'ya sa tabi ko.

"Wala akong laban sa first love eh. Hindi ko rin naman s'ya masisisi kung bakit s'ya na-inlove dun. Kung lalaki ako mai-inlove din ako sa kan'ya panigurado. She's probably one in a million."
"Pa'no mo nakilala si Rina?"
"Huh? Uhm... sa kwento n'ya. Haha."
"I see."
"I feel so selfish. Ginagamit ki—ko si Rina para maging close kami ni Kevin. I used her para may mapag-usapan kami. Tinatanong ko kung may updates ba. Kung may move ba s'ya na ginagawa kahit na... kahit na nasasaktan ako."

Napangiti s'ya nang pilit.

"Pero... minsan kailangan mo talagang masanay. Ilang taon na akong naghihintay sa kan'ya. Ilang taon ko nang gusto na sa'kin naman s'ya lumingon. Sa ilang taon na 'yun pinaniwala ko 'yung sarili ko na kuntento na ako sa friendship na meron kami. Sa ilang taon na 'yun sinubukan ko na sanayin 'yung sarili ko na wala talaga akong laban kay Rina."

"Pero... kahit na anong gawin kong pagpigil masakit pa rin eh. Akala ko kuntento na ako. Pero nung nakita ko s'ya, iba. Gusto ko mapalapit sa kan'ya lalo. Mas tumindi 'yung urge na yakapin s'ya at alugin 'yung utak n'ya na nandito naman ako, na ako na sana 'yung pansinin nya. Na kaya ko namang higitan si Rina, bigyan n'ya lang ako ng chance. Wala nga lang akong lakas ng loob. Alam ko kung ga'no ka-attached si Kevin sa'y—sa babaeng 'yun."

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Wala akong laban kay Rina, e. Masyado nang masakit kaya ayoko munang makita si Kevin. Baka gumaya ako sa'yo tas suotin ko pa brief ni Kevin," natatawa n'yang biro.

"Bad ka." Pero natawa na rin ako.
"Napagod na 'yung mga mata ko sa kakaiyak pero 'yung puso ko? Kelan ba mapapagod na mahalin s'ya?"
"I don't really know what to say."
"I know. Wala kang alam sa gan'to, e," tumawa sya, "but I feel better. At least may nasabihan na ako neto."

"Wala ka ba talagang laban kay Rina?"

Tumango s'ya.

"Yeah. Unfortunately. She's too great. She's too gorgeous. Wala talaga. Kahit na anong gawin ko."

I sighed.

"Paano ka na-inlove kay Kevin nung mga bata pa tayo?"

"I don't know. You don't have to find reasons to love someone. Mararamdaman mo na lang at marerealize isang araw na gusto mo s'ya. Oo bata pa kami nun, pero alam ko na iba s'ya sa mga kaibigan natin."
"So ayun yung rason kaya madami kang alam sa kanya?"
"Yup. Inalam ko lahat. Baka sakaling maramdaman n'ya na interesado ako." Ngumiti s'ya ng pilit.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon