Four

2.9K 131 5
                                    

Neko's note: dedicated to Alchemistic_Me she made the cover guys!!! Plus super support sya sa story na to. Huhu. I was really touched I nearly cried. She's really precious hooman being! Lablab. 💕💕

Chapter Four

Natapos din ang lunch with them. Good thing is 'di kami nag-uusap. At sana makalimutan n'ya na tinitingnan ko s'ya. Ang disturbing kasi ng presensya n'ya. Gusto kong magpapansin pag nand'yan si Keanu. Ano bang meron sa utak ko? Jusko. Epekto 'to ng zipper eh.

Tatawagan ko pa pala si Krista para magkwento ng happenings sa life ko.

Ring~ Ring~ Ring~

"Hello bey? Bakit?"

"Kristaaaaaa!!!!!!!"

"Ano? Bakit? Anyare bey?"

"You won't believe it!"

"Ano meron? Wag kang cliffhanger!"

"Do you remember Kevin? Yung uhugin na laging talo sa text?"

"Bey, pogi si Kevin ah. Oh ano meron?"

"He has a brother."

"Yeah. Si Keanu?"

"You know Keanu??"

"Yep. Yung older brother n'ya na nakatira sa America."

"Err.. How did you know?"

"Ikaw kasi bey. Mukha kang text dati. Wala kang pake sa presensya ni Kevin. Ako kaya nakakausap nun pag busy kang makipaglaro sa ibang bata. So nakwento na n'ya yung about sa brother n'ya."

"You didn't even tell me?"

"Why would I tell you? Naku bey ha?" sabi n'ya sabay tawa.

Oo nga. Bakit kelangan n'yang sabihin sa'kin? Pero kahit naaa. I feel like an idiot for not knowing him.

"So.. What's with Keanu?"

"S'ya yung nagsabi na bukas yung zipper ko Krista!"

"So you're saying that Kevin's here?"

"Yep."

"So that's why his eyes look familiar."

"'Di ko nga napansin nung una eh. Pero yeah. His eyes are same with Kevin. And anyway.."

"Ano?"

"I'm staying with them starting tonight"

"LIVE-IN NA?AMBILIS MO NAMAN GUMAWA NG MOVE!" sigaw nya. Aray ha? Masakit sa tenga.

"Hoy gaga. I mean makikituloy."

"What happened?"

At ikinuwento ko na sa kan'ya ang nangyari kanina sa hapag-kainan at tawa s'ya nang tawa.

"Laughtrip ako sa inyo Bey. Bisitahin na lang kita dyan bukas. Bye."

"Bye byeeee."

Then our conversation ended.

That's it. I'm hanging myself. Lol ganto na lang. 'Di ko sila kakausapin sa loob ng 2 linggo. Si Krista lang yung kakausapin ko.

Teka kelangan pa bang mag-empake eh kabilang bahay lang naman? Bahala na nga. Naglagay na lang ako ng dalawang t-shirts, dalawang boxers, at undies.

'Di naman ngayong oras na pero.. Parang na-eexcite ako na makakasama ko s'ya sa isang bahay. Na palagi ko s'yang makikita.

Dumating na ang oras. Lilipat na talaga kami sa kanilaaaa? 'Di pa ako handa! First time kong makikitira sa ibang bahay bukod kila Krista na parang kapatid ko na. Dafq. Ano ba kasi ang plano sa akin ni Inay?

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon