Thirty Eight

1.3K 49 14
                                    

Chapter Thirty Eight

"Keanu okay ka lang?" tanong ko sa kanya. "Nakita ko nga na may pasa ka kanina e! 'Yun pala dahilan nun."

Nakita ko naman na napailing si Pia.

"Oh my god. My sister is so stupid." Narinig kong sabi ni Pia.

What? Why am I stupid? I didn't do anything!

"Uhh okay lang ako, Zia. I deserve the punch," sabi n'ya habang nakatingin sa daan.

"I see. Hindi naman ba nasira ang pretty face mo?" tanong ko nang derecho.

Siniko ako nang sobrang lakas ni Pia. Napatingin ako sa kan'ya. Dakyu Pia. Masakit 'yun.

"Uhmm. Hindi naman, Zia. Thanks for asking," nakangiti n'yang sagot.

Tiningnan ako nang masama ni Pia saka nginuso si Kevin na mukhang constipated. Hahaha shet feeling ko tuloy babae talaga s'ya. Like nasakit yung puson nya because 1st day.

"Kevin. Are you okay?" tanong ko sa kan'ya.

"I'm fine. Thanks for asking anyway." He smiled.

Uhhh... uhh... why do I feel like Kevin isn't okay?

I mean may kakaiba sa tono ng boses nya pati na rin sa ngiti n'ya.

"Are you sure?"
"Ya. I'm kind of sleepy. Lipat ako sa second row."

Tumango na lang ako kasi nga alam kong inaantok s'ya. Lumipat na si Kevin dun. Buti na lang naka-stop dun sa stoplight.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Pia saka sinamaan ako ng tingin.

Pero ngumiti rin s'ya pagkatapos. Lumayo-layo ako kasi baka mamaya kagatin ako neto e. Hahahaha. Mamaya nahawaan na ni Sui ng rabies nako talaga. Ayoko naman makagat.

"Anong nangyari kanina? Nung tulog ako? 'Yung sinasabi mo?" nagtataka kong tanong.

"Ah. 'Di ba nga hinatid ka ni Kevin. Buhat-buhat ka na parang princess type. Akala mo talaga ang ganda mo, e."

Punyeta nilait pa ko. Magkapatid tayo 'no. At magkamukha pa. So ibig sabihin panget ka rin kung panget ako.

"Daming sinabi. Tapos?"
"Sinundan ko s'ya kasi kawawa naman. Buhat-buhat na nga 'yung manhid kong kapatid tapos wala pang magbubukas ng pinto. E syempre sinamahan ko na."

Hindi pa nga pala ako nagte-thank you. So binuhat pala ako ni Kevin? Naks naman. Gentleman. Talagang nagpa-practice para kay Rina ha? Don't worry. I'm always here. I'll help you para naman maging okay sila ni Rina diba? Hehe I'm so great talaga!

"Pumasok na nga kami ng kwarto. Nilapag ka lang naman NANG MAINGAT na para kang isang babasaging gamit na kailangang ingatan at hindi dapat saktan. Ingat na ingat nga si Kevin sa'yo e." Nakangiti n'yang sabi. Napakunot naman ako ng noo kasi parang ine-emphasize n'ya 'yung every word. At may meaning ba 'yan behind those words? Hmmm... ewan ko ba d'yan kay Pia. May pagka-abno na talaga kasasama d'yan kay Sui.

"Pero lumabas din sya. Nag-stay ako ng mga 1 minute sa kwatro mo kasi gusto talaga kitang batukan at saktan kasi kung anu-anong katangahan at kahihiyan ang pinaggagagawa mo."

Duck. Ba't ba ang daldal neto ni Pia? Andaming sinasabi!!

"Dami mong sinasabi. Ano na nga?"
"Ayun. Paglabas ko sakto!! Sinapak ni Kevin si Keanu. HAHAHAHA TANGINA. Lipad si Keanu papuntang kabilang bahay e. Hahahahahaha pero bagay sa kanya 'yun!" Tumatawang sabi ni Pia. Uhhh I don't think may karapatan kang sabihin 'yan e nandito 'yung magkapatid sa iisang sasakyan. Isa pa, pwede kang itapon ni Keanu sa kahit na anong oras.

Zipper Mo Bukas (Completed)Where stories live. Discover now