Twenty Seven

1.7K 58 6
                                    

Neko's note: sa past chapter aamin na talaga dapat si Zia kaso sumingit si Pia saying it's a prank to save Zia's ass hahahaha so kung 'di narinig ni Pia yung usapan nila ni Keanu then baka iba ang nangyari ;)

Chapter Twenty Seven

"Zia, date tayo," nakangiting sabi ni Kevin.

Whaaaat???!

"HUH?!" sabay-sabay na tanong naming tatlo.
"Why?" tanong ni Kevin.
"D-date?" nauutal na tanong ni Keanu.

BAKIT?!
"Friendly date lang kayo nama," natatawang sabi ni Kevin.
"Okay. Tara mamaya," sabi ko saka umakyat na... friendly date daw e. Ano bang masama do'n?

Kailangan ko rin kasi ng fresh air. Kailangan kong makalayo sa dalawang demonyo na nagpapahirap ng pagstay ko rito!

*****

'Wag kayo. Sossy si Kevin. nagda-drive. Sa passenger seat ako nakaupo kasi pag sa backseat daw nagmumukha s'yang driver.

Now Playing: Sugar We're Going Down (Fall Out Boy)

Nakatingin lang ako sa bintana.

Si Kevin nagha-hum.

Dead air. Tooooot.

Kung si Keanu kaya 'yung kasama ko dead air kami?

Ay Zia malamang, oo. Jusko. Suotin mo ba naman 'yung brief e. Syempre awkward 'yun kahit prank daw.

Ugh. Tigilan mo na nga kakaisip kay Keanu, Zia. Kalmahan mo muna. Para ka na namang gaga, e.

"Pasaan tayo?" pagbabasag ko sa katahimikan. Para you know? 'Di naman boring. Hahaha.
"Hmmm... sa Mall. Gusto sana kitang dalhin sa beach kaso baka 'di na natin maabutan 'yung sunset."
"Bakit mo 'ko dadalhin sa beach?" nagtataka kong tanong. Napalingon na ako sa kan'ya.
"Just because," nakangiti n'yang sagot.

Cute.

"May... may boyfriend ka na ba, Zia?" out of the blue na tanong ni Kevin.

Nasamid ako sa sarili kong laway. The fuck. Why are you asking that out of the blue??

"Wala. NBSB. Ikaw ba?" pagbabalik tanong ko sa kan'ya. Pero gusto ko na si Kean—STOP! MALANDI KA NA NAMAN!!!
"'Di ba nga may mahal akong babae na hindi ako makaamin? Hinihintay ko pa rin sya," nakangiti n'yang sagot sa akin

Shit! Ang swerte naman nun ni ate girl. Nakoooo kapag sinaktan n'ya si Kevin malaking kawalan.

Pogi na. Maalaga pa. Mahilig manlibre. Mukhang sweet. Mabait. Mahilig ngumiti. Mukhang masungit sa umpisa kasi nga 'yung features n'ya medyo strong unlike kay Keanu na sobrang amo ng mukha. Pareho sila na pogi 'yun nga lang mas pogi talaga si Keanu. Mukha ngang 'di naninilip ng zi—stoppppp!! STOP ZIA!

Jusq pinagco-compare mo na naman sila. Si Keanu na naman ang bida. Alam mo namang masamang mang-compare ng kapwa, e!

"Talaga? Sabi ko sa'yo umamin ka na, e," nakangiti kong sagot sa kan'ya.
"Yes. Soon. Not now. Confused ata sya. May nagugustuhang iba, e. Akala ko nga suportado ako nun pero 'di ko alam na gumagawa na pala ng move," pagalit na sabi ni Kevin.

"Mahirap yan no? Malayo s'ya sayo. 'Di mo mabakuran." Sayang naman 'yung friendship nila nung guy na masisira dahil lang sa girl.
"Sobra. Hindi ko magawang magalit sa kanya na na-fall sya. Di maiiwasan. Kahit sino namang maging close nun mai-in love talaga sa kan'ya. Kung malapit lang sana ako. Baka ako na gumagawa nun sa kan'ya." Napabuntong hininga s'ya.

Zipper Mo Bukas (Completed)Where stories live. Discover now