Forty One

1.1K 48 10
                                    

Chapter Forty One

Pagbukas ko ng pinto e nandun si Kevin... nakangiti.

Woah. So cutie.

Teka... nagsisisigaw si inay sa labas ng kwarto ko tas sinabihan n'ya ako nang nakakahiya kahit s'ua naman talaga 'yun?!

Nay ha? Itatakwil na kita. Kala mo d'yan! Ajujuju.

Bakit kaya ampogi ng lahi nila 'no? Bagay na bagay talaga sakin si Keanu kasi pareho kaming mga out of this world ang mukha.

Hindi alien ha?

Dyosa.

Napailing ako.

Wag ka na namang tanga, Zia. Parang awa mo na. Stop na self. Masyado ka nang nakakaawa. Baka nga wala nang pakialam 'yun sa'yo si Keanu tapos ikaw iiyak-iyak dyan. Move on na. Wag mo nang saktan sarili mo.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kan'ya.

Inangat naman n'ya 'yung kamay n'ya saka pinakita 'yung bag ko.

Oh.

Ngumiti ako saka kinuha ko sa kanya 'yung bag ko. Binigay naman n'ya.

Teka... papapasukin ko ba sya sa kwarto ko? Awkward!

"Uy Kevin! Ikaw pala 'yan. Pasok ka sa kwarto ni Zia," pagyaya sa kan'ya ni Krista.

Wow ha? Dakyu Krista. Feel at home talaga. Kwarto mo? Kwarto mo?

Natawa na lang si Kevin. No choice ako, niyaya na ni Krista e. Bad ko naman kung palalayasin ko s'ya, 'di ba? Kahit ang awkward na magpapasok ng lalaki sa kwarto.

"Tara na Kevin. Nagdala si Krista ng food," yaya ko sa kanya.

Pumasok na kami sa kwarto tas nakatayo lang s'ya dun. Iniikot-ikot yung mata n'ya.

Uhhh... bakit?

Napatingin ako sa paligid ko.

Ha ha ha.

Nagkalat ang mga papel sa kwarto ko, may bra sa upuan, may mga damit pa.

Napatakbo agad ako sa mga obvious na kalat saka inayos 'yun.

Ayan Zia. Nakakahiya ka na naman.

"Uhm... sorry. 'Di na nakapag-ayos. Hehe," nahihiya kong sabi sa kan'ya.
"No it's fine. Disaster din naman kwarto ko."

Kahit na. Wala namang bra na nakalat.

Pero mas weird kung meron diba? Kasi ibig sabihin kasali s'ya sa federasyon?

"Upo ka sa kama ni Zia, Kevin. Kahiya naman kung d'yan ka."

Tumango-tango na lang ako.

"Upo ka na lang dyan," sabi ko habang sinu-shoot 'yung mga damit na nagkalat sa labahan.

Sorry na. Walang ayos ayos. Bahay naman namin, e.

"Bat pumunta ka rito?" tanong ni Krista.

Kay Kevin lang talaga s'ya gan'yan. Hahaha.

"Inutusan ako ni Sui na ihatid 'yung gamit ni Zia kasi nakalimutan daw nya."
"E ba't pumasok ka pa?" sunod na tanong nya.
"Uhhh... pinapasok mo kasi ako?"
"Ay oo nga pala," sabi ni Krista at saka natawa. Hinampas-hampas pa si Kevin. Haha baka gumagawa ng move.
"At saka pinaakyat na rin ako ni tita."

Tumango na lang ako saka hinila yung upuan papuntang kama.

"Ano na gagawin natin?" tanong ko.
"Ayos ka na ba, Zia?" tanong n'ya sakin bigla.

Zipper Mo Bukas (Completed)Where stories live. Discover now