Forty Nine

1.1K 43 11
                                    

Chapter Forty Nine

"Duck," napabuntong hininga ako.

Duck!! ISANG MALAKING DUCK TALAGA!!!!!!!!!!

DUCK THIS LIFEEEEEEE!!

Duck ulit.

MERON AKO!!!

Naiiyak akoooo. Waaaaahhh.

Nag-short na lang ulit ako tapos hinanap 'yung phone ko kaso na-realize ko rin na wala pala akong load kaya nvm huhu.

Pano 'yaaaannn??

Narinig kong bumukas 'yung pinto.

"KEVIIIINNN!!!"
"Bakit? What happened? May masakit ba sayo???" Kita ko ang panic sa mukha n'ya.
"Meron akoooo."
"Haaaa???"
"Buwanang dalaw. Flag ng Japan. Ano pa ba?"

Matagal s'yang nag-isip saka napa-oh.

Nakita ko na lalabas ulit s'ya.

"Hala pasa'n ka?"
"Bibili ng napkin mo."
"Haaaaa???"

S H O O K T

Hindi pa ako nakakasagot lumabas na s'ya.

Baka masira 'yung trip dahil dito. Hayyyy.

Makalipas ang 10 minutes e bumalik sy'a na hinihingal tapos may malaking plastic na dala.

"Ba't ba... walang elevator... 'to?" Hinihingal at paputol-putol niyang sabi.

"Hala Kevin. Bakit ka tumakbo???"

Nag-shrug lang s'ya. Inabot n'ya sakin 'yung plastic. Pagbukas ko muntik akong matawa pero napangiti na lang ako.

"'Wag kang tumawa!" Namumulang sabi ni Kevin. Jusko. Paano ako hindi matatawa??? E lahat ata ng brand nandito na. HAHAHAHAHAHAHAA. With wings at walang wings. Pwede na akong magtayo ng napkin store neto.

Teka...

Hindi ko napigilan at natawa na talaga ako.

"BA'T MAY ADULT DIAPER DITO KEVIN?????" sigaw ko sa kan'ya. HAHAHAHA.
"Wag ka ngang tumawa!!" maka-pout na sabi n'ya. "Hindi ko alam gagawin ko e. Hindi ko alam sasabihin ko. Nahihiya naman ako magtanong. Kinuha ko na lang lahat ng pwedeng kunin. Gusto sana kita tanungin kaso naiwan ko cellphone ko kamamadali. Ngiting-ngiti pa 'yung cashier nung nagbabayad. Iniisip siguro kung paano ko gagamitin to at saka ano gagawin ko rito. At saka... malay ko ba kung kelangan mo ng adult diaper?" nakayukong tanong n'ya.

Hindi ko alam pero...

Nagkusang gumalaw ang katawan ko.

Hinalikan ko si Kevin sa pisngi.

"Thank you," bulong ko saka dumerecho na ng banyo dala-dala 'yung plastic.

Napaupo ako pagpasok ko. GAGO PANO AT BAKIT KO GINAWA YUN???! TAENA NETONG KATAWAN KO BAKIT HINDI SUMUSUNOD SA AKIN HA???

Nakarinig naman ako ng kalabog kaya binuksan ko 'yung banyo baka kung ano nang nangyari. Pero nakita kong tumatalon si Kevin habang nakangiti. Parang pinapaypayan pa 'yung sarili gamit ang kamay.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon