"masusunod alpha"

Humarap ako sa- teka? Asan na yun...

Ah...

Karga karga na nya si karma na mukhang nawalan ng malay habang si kaitou naman ay nakasunod lang sa kanila.

"alpha" napatingin ako kay keith na isa sa mga zeta ko "kung di mo mamasamain, nais naming malaman kung bakit nasabi yun ng deta?"

"di ko din alam"

"masyadong malakas ang loob nya upang kalabanin ka" dagdag pa nya

"maganda naring di mo sya pinuruhan" napatingin kami kay xian "naalala mo ang batas? Kapag sinaktan ng alpha ang isa sa myembro ng pack ng konseho ay ipapatay"

"at dahil hindi ang alpha ang gumawa kundi ang anak nya, walang kaso yun tama?" tanung ni dylan

"anu bang dahilan kung bakit andito ang deta?" tanung ni angela na isang mu

"nais daw makita ng konseho ang mga anak ni alpha at reese" sagot ni dylan

Tumingin sakin si angela "masama ang kutob ko alpha.."

"ako rin" pag sang ayon ko

"para saan at nais ng konsehong makita ang mga bata?" tanung ni calvin na isang sigma

"nais nilang malaman kung puro lobo ba o may tao-"

"tao lang reina" singit ni thea na isang rho "panu sya alpha?"

Napatiim bagang ako "di ko alam, ipapatay sya ng konseho kapag nakita sya"

"di natin pwedeng hayaan yun, maaga mang umalis sa ating pack si reese parte parin natin sya. Isa din syang magaling na zeta" pagpapaalala sakin ni keith

"alam ko" sabi ko "pero di ko alam kung panung matatakasan ng bata ang kapalaran nya sa konseho"

"pag usapan natin ito mamaya alpha" suhestyon ni danielle bago naglakad palayo

Nagtanguan kami bago naglakad papasok.

Ako nama'y dumiretso sa silid ng kambal.

Mukhang kasama nila ang mga anak ni reese at ang mga nanay nila.  

  Kumatok ako ng ilang beses bago buksan ang pinto.

"ay sige matilda, labas muna kami-"

"walang lalabas. Gusto ko sanang makausap kayo sa harap ng mga bata"

"ano yun?" tanung ni matilda

"nais ng konsehong makita ang mga bata"

"h-ha?"

"konseho?"

"oo, anabeth, konseho.. Nais nilang makita ang mga bata upang malaman kung puro lobo silang apat."

"ah yun lang pala" sabi ni matilda

"oo, pero ang alam ko, papatayin ang tao.."

"ayan lang pala eh" sabi ni matilda

"tao lang si reina" napatingin sila sakin "oo, may dugo ni reese na nalaytay sa katawan nya pero di sya gaya ng kapatid nya na kayang mapalit anyo"

"a-anung ma-mangyayari sa anak ko?"

"kailangan natin syang itago" sabi ko   

  "imposible" napatingin kami kay kaitou "alam na nila ang bawat plano mo. Kaya imposible magiging successful yan"

"is that so? Ano bang plano mo?" tanung ko

"patayin si reina" napatingin kaming lahat kay karma "yun ang mangyayari"

Alpha's Babies (FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon