Napasapo ako sa bibig ko "oh my gosh"

"kawawa naman po si ninong.." niyakap ko ang mga anak ko

"anu bang nangyari?"

"wild animal attack daw" umiling si papa "nasa hotel ang meeting, wild animal?"

"anu sa tingin nyo?"

"lobo ang gumawa nun, kung sino man yun mukhang may atraso si reese dun"  

  Napatingin kami ng pumasok si ate anabeth.

Tinignan nya ako pati ang mga anak ko saka sya napaiyak.

"anabeth.." pag alo ni mama sa kanya

"ikaw ba, may naiwang atrasa sa kung kaninong tao sa pilipinas?" umiling ako "eh bakit ikaw? Ikaw ang sinasabing pinag ugatan. Pinatay ang asawa ko dahil, ayaw nyang sabihin kung nasaan ka" nabigla naman ako at napatingin kina papa

"an-ano bang pangalan ng kameeting nya?"

"ang sabi ng asistant nya Leon Malfore, di ko maintindihan... Para daw di tao maglaban yung dalawa..."

"dalawa?"

"oo, dalawa. Maski si reese.."

Suminghap ako at inalala ang unang beses na nagkita kami ni reese "oh my god..."

"bakit ate?"

"werewolf si reese?"

"nagpapatawa ka ba matilda? Di maganda. Pwede ba fictions lang yun."

"ninang" pagpukaw ni kaitou sa kanya. Kita ko ang gulat sa mga mukha nila ate. Malamang di nila alam. "werewolf po kasi tatay" dugtong ni kaitou na may kakaibang boses kaya iniharap ko sakin, nakalabas ang malalaki nyang mga pangil at ilang buhok.

Agad na bumalik sa normal nang bumukas ang pinto, yung asistant ni reese.

"sabihin mo nga sa amin, may samahan bang sinasalihan si reese" nagtagalog na ako dahil pinoy naman 'to si teddy

"samahan?" tinignan nya kaming lahat "meron, MOONRISE, yun ang pangalan pero di ko alam ang ibig sabihin di nya kasi sinasabi."

"eh yung malfore?" tanung ni ate na mukhang nakabawi na

"ewan, pero umpisa palang ayaw na dun ni ser, aalis na nga sana kami pero inalam nya kung saan ka nakatira. Nagalit si sir, at tinanung kung bakit ang sabi nung lalaki papatayin ka daw nya at ipapadala sa Alpha ng MOONRISE pack. Nagalit si sir at yun dun na nag away. Di naman dapat matatalo si sir pero ewan ko kung bakit nafreeze yung katawan nya sa ere tapos ayun dun na ginawa nung malfore"

"bampira" sabi ni papa "bampira yung malfore, ganun talaga ang ginagawa nila kapag dehado na sila"

"bampira? Hahaha" natatawang wika ni teddy saka salit salit ang tingin sa amin ni ate pero ng makita nyang seryoso kami.

"kailangan nating umuwi ng pilipinas" anunsyo ni papa  

  "pero uncle, hindi pwede marami pa akong trabaho lalo na ngayong iniwan ni reese ang kumpanya"

"anabeth, makinig ka" saka naupo si papa sa kaharap na mesa ni ate "bampira ang kalaban nya at di maaaring makita kayo nun, dahil delikado. Hindi pinaalam ni reese kung nasaan ang anak ko, dahil ayaw nya kayong madamay. Kaya teddy, umalis ka na at mag iingat ka." napalunok naman si teddy bago umalis

"delikado ang mga bampira at di natin alam kung ilan sila" paliwanag ni papa

Tinignan kami ni ate "gusto kitang sisihin pero di ko kaya, dahil alam kong wala kang kasalanan. Pakiusap, isama mo ang mga anak"

Alpha's Babies (FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon