Sana

98 4 1
                                    

Unang beses kang dumaan sa buhay ko,

Ay noong mga batang musmos pa lang tayo.

Sana noon palang nalaman ko na ang pangalan mo,

Para mas napadali ang pakikipagkaibigan sayo.

Lumipas ang mga panahon,

Dumating na rin ang mga pagkakataon,

Nagkita ulit tayong dalawa,

Ngunit hindi tayo magkakilala.

Naging magkaibigan tayong dalawa,

At nagpakilala sa isa’t isa.

Ngayo’y magkaibigan na,

Na para bang walang problema.

Isang araw ako’y may naramdaman,

At ito’y hindi ko inaasahan.

Pakiramdam ko’y kakaiba

Na hindi alam ang aking nadarama.

Tinatanong ko ang aking sarili,

At pilit iniintindi.

Ang puso ko ay mabilis na pumipintig,

Marahil ay umiibig.

Dumating ang araw na nagustuhan mo ako,

At sobrang saya ng aking puso.

Sana’y huwag na tumigil ang oras,

Sana’y hindi na lumipas.

Hindi ko alam kung bakit ganito,

Ang nadarama ng puso ko,

Tuwing ika’y aking nakikita,

Marahil ay mahal na nga kita.

Naaalala ko pa,

Ang mga unang bagay na ginagawa ko kasama ka,

Sana ay naaalala mo pa,

Ang alaala nating dalawa.

Naaalala ko pa,

Ang unang beses na

Sinabi mong ako’y mahal mo

Halos abot langit ang mga ngiti ko.

Ngunit ako’y nakaramdam ng takot,

At para bang isang bangungot.

Natatakot ako na baka,

Mawala ang iyong nadarama.

Pero aking inisip,

Hanggang sa aking panaginip.

Na kung mawala man yang nadarama mo,

Tatanggapin ko ng buong puso.

Aking dinarasal

Sa ating May kapal,

Na ingatan ka niya,

Saan ka man mag punta.

Ikaw lang ang iniibig ko,

Wala nang ibang katulad mo,

Sana ingatan mo ang pag-big ko,

Na ibinibigay ko lamang sayo.

Poem Collection by moonsandsmilesWhere stories live. Discover now