Chapter 21: Ang Pagbabalik ng mga Vertueza

175 11 0
                                    

Isa sa mga nagpasiyahan ni Mamita ang sumama sa paglipad ng mga magulang ni Laurence sa pilipinas para bisitahin ang apo at muling tanawin ang ganda ng bansa.
Pinasama nito ang dalawa sa kaniyang mga guwardya, dalawang housemaid, at isang personal assistant na palaging nag-aasikaso sa kaniya para sa pang-araw-araw niyang paghahanda.

Nakarating na sila sa pilipinas at ngayon ay nasa airport pa lamang sila.
Binuksan ng isa sa mga guwardiya ang magarang na puting sasakyan bago pumasok si Capucine Mathieu-Vertueza, ang lola ni Laurence na nakapulang bestido. Sa kabilang sasakyan naman sin Lauren at Lucas, gamit ang kanilang kotse.

Maarte si Capucine, lalo na sa mga bagay na hindi masyado malinis. Kung pasokin mo ang tinitirahan niyang malaking bahay sa pransiya, sinisigurado nitong walang anumang dumi ang nagtatagal sa sahig at mga gamit doon.
Galing siya sa mayaman na pamilya. Kung tutuusin ay mas may pera siya kumpara kay Hogno Vertueza, ang pumanaw niyang asawa. Ngunit inaamin niya na siya ang unang nagkagusto kay Hogno nang dahilan para sila'y magpakasal.

Halos tatlong dekada nang hindi nakakapunta si Capucine sa pilipinas. Ayaw niya sa mainit na lugar, at mas pipiliin na magbisita ng bansang tulad ng Japan, Sweden, o kaya'y Greece na talaga namang madalas niyang pinupuntahan.
Ngunit sa oras na ito ay gusto niyang makita ang kaniyang apo. Kaya hinayaan na lang muna niya ang init ng panahon sa pilipinas na hindi niya nakakasanayan.

𝓕𝓪𝓵𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓘𝓷 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓦𝓲𝓽𝓱 𝓣𝓱𝓮 𝓑𝓪𝓫𝔂𝓼𝓲𝓽𝓽𝓮𝓻

Kakatapos lang namin kumain ni Laurence ng pang-almusal. Sinabi ko nang hindi niya ako kailangan tulungan sa mga pinggan na hinuhugasan ko pero hindi siya nakikinig. Buti naman at bumalik na sa dati; ang pilosopo niyang ugali.

Siya ang nagbabanlaw nito habang ako naman ang nagtatrapo sa mga plato. Dito namin narinig ang pagbusina ng sasakyan na parang nasa malapit lang. Napatingin sa akin si Laurence na para bang kumukwestyon kung sino iyon at tinaas ko naman ang balikat ko, na kung sa salita ay hindi ko rin alam.

Paulit-ulit itong bumubusina kaya naman nagmamadali akong lumabas para buksan ang gate, at sumunod na rin si Laurence para tingnan rin kung sino ba ito.

Binuksan ko na ang gate. Nagtataka ako nang makita ko ang hindi pamilyar na sasakyan, pero may kasunod ito. Doon ko nakilala ang sasakyan nina Mr. Vertueza. Siguro ay bisita lang ito kaya naman binuksan ko na ang gate.

Dumiretso na itong pumasok at nagparking don sa may bakuran. Nakita kong lumapit sa maputing sasakyan si Laurence at nagpatuloy naman ako sa pagsasara ng gate.

Unang lumabas ang isang lalaking kalbo na matangkad sa kotse na iyon at lumapit sa pangalawang hilera upang buksan ang pinto nito, kung saan isang matandang dayuhan na babae ang lumabas galing dito.

Nakikita kong hinagkan ito ni Laurence sa pisngi bago ko mapansin na papalapit na rin pala sina Mr. At Mrs. Vertueza sa kanila. Sa hitsura pa lang at outfit ng matanda ay masasabi ko nang lola ito ni Laurence. Naikuwento niya kasi sa akin noon ang tungkol sa kaniya.
Sa ngayon, may pa re-union silang pamilya at di ko alam saan muna ako lulugar.

Unang pumasok sa bahay pagkatapos tingnan ng lola ni Laurence ang labas ng bahay. Mukhang inoobserbahan niya ang desinyo nito. Sumunod naman ang mga magulang ni Laurence na mukhang papasok na rin sa loob ng bahay.
Papasok na nga si Laurence, kaso napalingon muna siya sa akin at lumakad patungo sa kinatatayuan ko.

"Ano'ng tinatayo mo diyan? Halika, pumasok tayo," pagyaya niya sa akin pero nanatili akong nakatayo dito sa posisyon ko.

"Sige na, mauna ka muna. Susunod lang ako."

Napasimangot lamang si Laurence.
"Bakit? May gagawin ka ba?" Tanong niya.

"Uhm..."
Sa totoo lang nahihiya ako. Nandito na iyong buong pamilya niya. Isa pa, hindi ko alam paano magpakilala o kunin ang atensiyon ni Mrs. Vertueza. Sa totoo lang, si Mrs. Vertueza lang ang nakakasundo ko at si Laurence.

Falling In Love With The BabysitterWhere stories live. Discover now