Chapter 7: Sisihin si Mrs. Vertueza!

191 10 0
                                    

Nakatunganga lang ako habang napapaisip sa pangyayari sa buhay ko. Mahirap lang talaga iwasan ang problema ng isang pamilya. Napabuntog-hininga ako at sinagot si mama sa huling sinabi niya. Oras na rin siguro para sabihin ko sa kaniya kung ano'ng ginagawa ko dito.

"Huwag kang mag-alala, Ma. Basta nandito ako. Actually, 'yan ang rason kung bakit ako naparito, " sabi ko at sabay naming linapag sa mesa ang pinggan at pagkain.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Jinkie?" Napameywang si mama. Hinarap ko naman siya ng maayos.

"Ang ibig kong sabihin ay ito." Linabas ko ang tatlong libo mula sa bulsa ng aking jacket. Hinawakan ko ang kamay ni mama at linagay doon. Napatingin naman si mama sa kamay niya.

"Ma, sa ngayon, iyan lang muna ang nakuha ko. Bonus lang 'yan sa araw na 'to. Pero kapag makabalik na sina Mr. At Mrs. Vertueza, doon ko na mismo makukuha iyong totoong sweldo ko."

Binilang ni mama 'yong hawak niyang pera pagkatapos ay tumingin sa akin. Mukhang hindi siya masaya sa sinabi ko. Napabuntog-hininga siya at hinawakan ako ulit sa kamay.

"Bonus pala, edi sa'yo iyan, Jinkie. Ba't mo naman sa akin ibibigay?" Aniya at kusang ibabalik sa akin ang pera.

"Ma, para sa'yo yan. Idagdag mo na lang sa pambayad ng renta natin," sita ko naman. Ayaw kong tanggian ni mama 'yong inabot ko sa kaniya. Minsan lang ako magkapera.

"Hindi na, anak. Ano ka ba, akala ko gusto mong magtrabaho para sa savings mo sa eskuwelahan? O gamitin mo na lang 'yan pambili ng mga bago mong damit. Hindi mo problema ang problema natin dito sa bahay. May kaniya-kaniya tayong dapat problemahin. Ikaw, magfocus ka na lang sa pag-aaral mo habang ako naman, dito lang sa bahay at iisipin ang pangaraw-araw na makakain natin. Maliwanag ba?" Sabi ni mama at linapag ang pera sa table.

Umupo siya sa table para kumain na ito. Para bang ayaw pa ako nito kausapin. Di naman ako nang-iinis.

"Ma naman, e. Akala mo ba madali lang sa akin 'yong makita na ikaw lang naghihirap para sa ating dalawa? Gusto ko namang tumulong, minsan lang ako makaabot ng pera sa inyo." Sinabayan ko ring umupo si mama sa table.

Hindi pa rin ako tinitingnan ni mama. Sinimulan niyang lagyan ng bihon ang dalawang plato. Halata sa mukha niya na galit siya, na para bang di niya gusto 'yong ginagawa ako.

"Jinkie, ayaw kong iniisip mo na di ko kayang mag-isa na gawin lahat ng trabahong ito. Wala ka pa sa tamang estado para magbigay sa akin ng pera. Tsaka alam kong kailangan mo 'yan sa susunod na pasukan. Iponin mo na lang 'yan."

Napasimangot na lang ako sa sinabi ni mama. Sa totoo lang wala naman akong gustong bilhin para mag-ipon ng pera maliban na lang sa mga proyekto namin sa susunod na pasukan. Pero hindi ako magpapatalo kay mama.

"Sige. Di bale, ako na lang aabot ng tatlong libo kay aling Nita. Tutal, ayaw mo naman," sabi ko at sinimulang kumain. Syempre, I always find ways to do what I want to do. Hehe.

Napansin kong napatingin sa akin si mama, "Ano sabi mo?" Aniya.

"Sabi ko, ako mismo magaabot kay aling Nita sa three thousand na ito. Ang importante, nabawasan 'yong utang natin. Di ba?" Sabi ko at nakangiti pa.

Napairap naman sa akin si mama, "Ikaw talaga, ayaw mong makinig sa akin. Akala mo ba ikakatuwa niya 'yang three thousand lang? Sa laki ng utang natin, baka mas magagalit pa 'yan," Ani mama. Nagpatuloy na siya sa pagkain. Napatitig na lang ako sa kaniya.

Falling In Love With The BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon