Chapter 1: Ganito ba mamuhay ang mga Vertueza?

473 13 0
                                    

Ang lakas ng tunog ng alarm clock ko ang bumungad sa umaga ko. Napayakap ako ng mahigpit sa aking unan dahil mas lalo akong namotivate na hindi na lang bumangon.


Ano ba naman 'to, Dinidistorbo pa kasi ako e.


Hindi ko na lang ito pinansin at pinilit na matulog ulit. Kaso nga lang nabubwiset na ako sa tuno nito.


"Kring, kring~"


Naku, nakakainis na-


"Jinkie, Gising na!" Rinig ko ang sigaw ni mama sabay binuksan ang pintuan ng aking kwarto. Kunware pa akong di nagigising sa sigaw niya sa akin at sa ingay ng alarm clock ko. Kaso alam na ni mama 'yong mga technique ko. Kaya imbes na gisingin ako sa magandang paraan, linapitan na lang ako nito at pinalo sa paa.


"Aray. ano ba naman 'to, Ma? Natutulog nga ako e-"


"Hoyst! Gising nga sabi!" Sabay palo sa aking hita.


"Aray ko, ma. Wala naman pasok ah. Closing na nga di ba?" Sabi ko at may pasipa-sipa pa ako habang nakahiga. Sobrang inaantok lang talaga ako.


"Aba-aba? Mukhang nakakalimutan mo na weekend ngayon! May trabaho ka sabi mo e. Di ba nag apply ka?"


Automatic na namulat ang aking mata ng marinig ko sabi ni Mama. Bigla ko na lang naalala 'yong kausap ko last, last day and it's-agh! Tama nga si mama, Nag apply pala ako ng trabaho! Shoot, kailangan ko ngang pumunta doon today!


Mabilis akong napatayo sa aking kama tsaka agad hinanap yung suklay sa katabi kong drawer. Pansin ko naman ang pamimikit ng mga mata ng nanay ko habang bilis-bilisan ako sa mga galawan ko. Akalahin mo malalate na sa school e. Sinuklay ko na ang buhok ko sabay binuksan ang kabinet ko at maghanap ng susuotin ko.


"Oh? Ano ginagawa mo, ha?" Ani mama.


"Edi naghahanap po ng susuotin," Pa-casual ko pang sagot.


"Aba!" Linapitan ako ni mama tsaka pinindot sa tenga.


"May pasagot-sagot ka pa ng ganyan ha. Maligo ka nga! First day ng trabaho mo, di ka maliligo? Nakakahiya ka, Diyos ko!"


"A-Aray! Sorry na, mama! Oo na po!"

Nakalipas ang isang oras...

Sinuklay ko ulit ang buhok ko habang nakasalamin bago ko ibinaba ang suklay para magpunta na doon.

"Punta na po ako dito, I love you, Ma!" Sabi ko habang kinuha yung bike ko at lumabas na.

Falling In Love With The BabysitterWhere stories live. Discover now