Chapter 5: Nang dahil sa Facebook Profile

216 9 0
                                    

Isa sa mga pinakagagong ideya ni Laurence ang pilitin akong mag photoshoot para daw sa pagpalit ko ng profile picture sa Facebook. Sa ngayon, nandito kami second floor at dito pa mismo sa kwarto ng mga magulang niya pagkatapos niya akong paghilamosin.


"Laurence, ano nga ulit ginagawa natin dito?" Tanong ko habang nakatayo at nakatingin sa kaniya mula sa tabi ng pintuan habang siya naman ay nagbubukas ng cabinet ng parents niya.


"Magbibihis ka."


"Seryoso?"


"Oo," aniya't lumingon sa akin. "Using mama's clothing." Sabay lapag sa damit ng mama niya na nakahanger doon sa kanilang kama.


Napakutya na naman ako sa sinabi niya. BALIW BA SIYA?


"Hoy, ano'ng pinagsasabi mo?" Tugon ko dito.


"Just do what I want. Wag na makulit pa." Aniya na para bang hindi siya itong makulit.

Ayaw ko talagang mag-participate. 'Yun nga lang, wala akong magawa kundi sundin ang gusto niya sa loob ng three days. Tsaka isa pa, may usapan kami kanina lang... 'yon lang talaga ang iniisip ko.


"Alam ko, Laurence. Pumayag naman ako pero bakit dapat yung mga damit ng mama mo pa ang susuotin ko? May sarili din naman akong damit ah," sabi ko. Baka nakalimutan lang niya na may dala rin akong damit.


"Ah." Napatayo siya ng maayos at napakamot sa ulo niya. "Of course, I know. Pero sigurado akong cheap, not even close to looking fancy. Kaya kahit ano'ng damit mo ang dala mo d'yan, I'm sure magmumukha ka lang manang pag sinuot mo," Aniya. "Just be grateful! Minsan ka lang makasuot ng ganitong kagandang damit, " Dagdag niya at ngumiti pa sa huli.


Napakagat na lang ako sa labi ko at di na lang nagsalita. Hindi sa sumasang-ayon ako sa sinabi niya na mukha akong manang sa sarili kong damit, Pero sadyang ano lang... I mean, can't hide the fact na karamihan sa damit ko ukay-ukay. Ano naman kung gano'n? Ang importante nasusuot ko at kasya sa akin.

Tsaka dapat lang na manahimik ako. May maganda naman kasi itong kapalit eh, hehehe.


"Mamili ka," aniya at patuloy pa sa paghuhukay ng damit sa kabinet. Panghuli niyang inilapag ang isang floral dress sa kama bago siya tumigil. Pagkatapos non ay nanatili siyang tumayo sa tabi nito.


He crossed his arms while looking at me. Alam kong hinihintay niya akong lumapit doon at tingnan ang mga damit. Kaya ginawa ko rin, for money's sake.


Tatlong skirts ang nasa kama, dalawang shirt, dalawang dress, at isang long dress. Habang tinitingnan ko ito, napipicture ko sa utak ko kung ano ang itsura ko kapag suot ko ang mga damit na 'yon. Dalawang knee-length skirts. Iyong isa, cheeta pattern na brown. Super fancy ito sa mayayaman. Iyong isa naman, plain red na may belt sa taas at masikip sa baba at isang long skirt na kulay blue green na sobrang lamig at malambot ang tela.

Falling In Love With The Babysitterحيث تعيش القصص. اكتشف الآن