Chapter 8: One milyon, nagkatotoo ka sana!

212 11 0
                                    

"Congratulations sa ating three last man standing participants!" Sabi ng isang lalaki na para bang siya ang host sa show na ito. Sumunod naman ang pagpalakpak ng mga tao.

Nakatayo ako ngayon sa stage kung saan nagaganap ang show. Isa ako sa three last man standing sa panghuling labanan. Ang gagawin namin ay iinom kami ng isa ka litrong coke. Kung sino man ang unang makaubos ay siya ang mananalo ng 1 milyon pesos. Swerte ko, ano?

"ARE YOU READY?" sigaw ng host na lalaki bago naghiyawan ang mga manonood sa amin.

"In 3, 2, 1... Start!"

Tumunog ang beeping sound at nagpalit ng theme color ang stage. Para ito mas mafocus at mathrill ang mga manonood.

Mabilisan ko naman ininom ang isa ka litrong coke sa harapan ko. Kaso nga lang, nauubos ko na pero wala naman akong nalalasa. Parang hangin lang ang iniinom ko. Ngunit para sa 1 milyon pesos, iinomin ko ito.

Tuloy lang ako sa pag-inom pero humihinto naman pagkatapos ko lumunok ng tatlong beses. Nang inumin ko at lunokin ang pinakamaliit na likido galing sa coke bottle, pinindot ko na ang button sa tabi ko para malaman ng manonood na tapos na ako.

May mga naghiyawan naman sa audience. Sa katabi ko ay ang dalawang last man standing na mukhang nabadtrip dahil hindi sila ang nauna magclick ng button.

Biglang bumalik ang maliwanang na light sa stage at nagpatugtog sila ng kanta. Mapapasayaw ka talaga sa saya!

Ibig-sabihin no'n, ako ang nanalo! Ow-em-ji! Sobrang saya ko talaga! Sobrang laki ng swerte sa araw na 'to! Paano e may pambayad na kami ng utang! 1 milyon pesos! Wohoo!

Dahil sa tuwa ko nang iaabot sa akin ng mga judge ang pera, napayakap ako sa host. Iyon na rin ang momento na makuha ko ng cash ang 1 milyon pesos. Sigurado akong nanonood ngayon si mama sa TV at tuwang-tuwa rin siya!

"Jungkoy!" sigaw ng isang boses ngunit nasa malayo. Parang isang manonood sa tapat ng mga audience ang tumatawag sa akin. Di ko naman pangalan ang Jungkoy pero sigurado akong ako ang tinatawag niya.

"Hoy, Jungkoy!" Ulit ng boses na tila ba nang-iinis na naman. Sino ba 'yon? Magpapa-autograph ba?

"HOY!" Nagulat ako sa malakas na sigaw sa tainga ko. Para bang may sumabog na bomba sa paligid. Iyon na rin ang naging dahilan para ako'y magising at mapaupo sa kinahihigaan ko.

Aray. Yung eardrums ko. Feeling ko nabingi ako sa sigaw na iyon.

"Kanina ka pa tulog, hiyang-hiya ako sa'yo!" si Laurence, nasa harapan ko. Hay nako. Ano ba na naman problema niya? Sabi na nga e. Parehas sila ni mama, puro sigaw pag ginigising ako.

Teka lang, napalingon ako sa paligid ko. Nasa loob pala ako ng guest room nina Laurence. Akala ko ba nasa stage ako?
Teka.
Panaginip lang pala?

"Ang haba ng tulog mo! Di ka pa talaga magigising kung hindi kita sisigawan, " Anang Laurence na may hawak na sound speaker. Ang narinig ko palang kanta sa aking panaginip ay ang kaniyang pinapatugtog.

"Sorry naman," tugon ko dito.

Grabe, sayang iyong 1 milyon. Imagine mawawala lahat pag minulat mo mata mo. Sana hindi na lang ako nagising.

"Bangon ka diyan. Buti pa ako maaga gumising keysa sa'yo. Gawa ka ng pang-almusal!" demand ni Laurence na nanatiling nakatayo sa harapan ko.

Napahikab naman ako sabay kamot sa ulo. Teka lang, sobrang inaantok pa ako ngayon. Bakit naman gano'n, bakit hindi nagkatotoo 'iyong 1 milyon.

Bago pa naman magalit si Laurence ay tumayo na ako sa kinauupuan ko. Doon rin ay iniwan muna niya ako sa kwarto. Pero iyong pinapatugtog niya na kanta-sobrang nakakainis. Ganiyan ba talaga trip niya sa umaga o ano?

Falling In Love With The BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon