Chapter 23: Balik sa totoong buhay

16 1 0
                                    

Dumating na ako sa amin. Sa una, hindi ko kayang kumatok sa pinto namin. Naalala ko ang kahapon, at ang nakita kong pag-iyak ni mama. Pero kailangan kong pumasok. Kumatok pa rin ako sa pinto.

"Teka lang!" Narinig kong sigaw ni mama. Siguro ay nasa kusina na naman siya at nagluluto.

Di nagtagal ay nabuksan ang pinto. Nakita ko si mama na naka-apron, at may hawak plastic ng suka. Mukhang normal lamang siya kung titingnan.

"Jinkie?" Ika niya.

"Ma, tapos na trabaho ko." Isang pilit na ngiti ang ginawa ko na kinatuwa naman ng nanay ko.

"Gano'n ba? Naku! Buti naman kung ganon. Pasok ka, akin na iyan," kinuha niya ang hawak kong bag na punong-puno ng aking damit. Pagkatapos ay pumasok na siya at linapag iyon doon sa sofa table namin.

Napalingon ako sa loob ng bahay namin. Parang kailan lang kagabi, sobrang gulo nito dahil sa pagwawala ni mama, pero ngayon, malinis na. Napatanong ako sa sarili ko, nakatulog ba si mama?

Kasalukuyan siyang nagluluto ngayon ng tinola. Iyon ang hula ko dahil sa hawak niyang paminta kanina at amoy ng linuluto niya.

Pinakuluan ni mama ang linuluto niya at nagtimpla muna ito ng juice. Naupo ako sa sofa habang binabantayan siya. Parang wala siyang balak na sabihin sa akin ang nangyari kagabi.

"Anak, inom ka muna ng juice. Ang init kaya sa labas," sabi niya habang hinahalo ang juice powder sa tubig doon sa pitsel. Pagkatapos ay kinuha niya ang baso na nasa table at binuhusan ito ng laman. Tumayo ako upang lapitan siya at kunin ang baso at uminom ako roon.

Kumain kami ni mama. Casual lamang at walang pinag-uusapan maliban doon sa trabaho ko. Sinabi ko sa kaniya na 30,000 ang ibinayad sa akin ng Vertueza na talagang kinagulat naman ni mama nang marinig iyon.

"Talaga? Ang laki naman niyan. Bonus iyong 5,000?" Tanong niya.

"Opo, ma. Suwerte ko talaga, ano? Nagbantay lang ako ng bata tapos ang laki na ng suweldo ko, daig ko pa ang nakapagtapos at nagtuturo sa eskuwela," biro ko naman.

"Kung gano'n, edi naka 8,000 bonus ka na galing sa kanila? Ibinigay mo nga sa akin ang 3,000 last time e!"

Naalala ko ang pera na iyon. Iyon 'yung ibinayad sa akin ni Laurence kapalit ang mag photoshoot gamit ang kamera niya. Natawa ako ng kunti ng maalala ko iyong araw na iyon. Parang kailan lang nangyari.

"Oo nga po, ma. Ngayon ko lang naalala," tugon ko dito.

"Naku," napatingin sa akin si mama na may ngiti sa mukha.
"Suwerte ko talaga sa anak ko," tugon niya.

Pansin ko sa mga mata niya na nasasaktan siya, na may kalooban na ayaw niyang sabihin sa akin. Rinespeto ko ang desisyon ni mama. Nginitian ko na lang siya bago kami nagpatuloy sa pagkain.

"O, heto pa. Mukhang napagod ka sa kakaalaga ng bata," linagyan niya ng isa pang piraso ng manok ang pagkain ko.

Napatawa na lang ako kasi alam kong nagbibiro siya.

𝓕𝓪𝓵𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓘𝓷 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓦𝓲𝓽𝓱 𝓣𝓱𝓮 𝓑𝓪𝓫𝔂𝓼𝓲𝓽𝓽𝓮𝓻

Kasalukuyang naglalaro si Laurence ng PUBG, at todo ito sa pagpokus habang nakaheadset. May galit sa puso niya na gusto niyang mapawala sa ngayon. Barilan lang sa laro ang lagi niyang ginagawa habang nakasimangot ang kaniyang mukha.

Dito ay pumasok ang kaniyang lola kasama ang dalawa niyang bodyguard. Napalingon ang matanda sa kuwartong hinihigaan ng kaniyang apo. Medyo makalat ito, hindi tulad ng kuwarto niya sa pransiya na malinis araw-araw. Napalingon na rin ito sa mga tambak na junkfoods na nasa isang basket na dapat linalagyan niya ng labahan. Sumakit ang ulo ng matanda sa nakita. Bakit raw ganito ang ugali ni Laurence na hindi naman siya pinalaking ganito?
Napabuntong-hininga siya.

Falling In Love With The BabysitterWhere stories live. Discover now