Epilogue

40.7K 802 341
  • Dedicated kay CERTIFIED SEDUCERS!
                                    

FINAL CHAPTER. (THIS IS TRUE)

Forgive the wrong grammars and typographical errors; I don't have enough time to edit those. Please play the music on the multimedia section, entitled: Can't cry hard enough. Best song ever! Note: Play the song while reading the last part. 

*

I dedicate this Epilogue to all of you. To all my readers, to my FC's together with their OP's, to the Abbyporters, to the Green girls, to the Kelvin's Angels, and most especially to the TRUE BLOODED AND CERTIFIED SEDUCERS. I love you guys! Hart hart to all of you! :*

Naiiyak ako. Ajujuju.

~~~

The hardest thing in life, is letting go of what you thought was real.

 

 

E P I L O G U E

Hannah's POV

Napakatahimik. Sa sobrang tahimik nabubuang na ako. Pareho kasi kaming walang imik habang magkatabing nakaupo sa sahig. Nakakapit ang kaliwang kamay nya sa bewang ko habang ang kanan nama'y nasa lap nya lang.

"Akin na ang kamay mo" Hindi nya ibinigay kaya ako na ang kumuha. Inilabas ko ang panyo ko saka ko iyon dahan dahang idinampi sa kamao nyang napupuno ng sugat.

Dumudugo iyon at halos nagkukulay violet na dahil sa pasa pero hindi ko pa din sya nakikitaan ng sakit, parang hindi nya iyon nararamdaman.

"Hindi mo dapat 'yun ginawa, hindi mo dapat binaling ang galit mo sa pader. Ayan tuloy, nasaktan ka"

Parang ako yung nasasaktan sa ginagawa kong pagpunas sa kamao nya, sobrang dami kasing sugat niyon tapos hindi pa tumitigil ang pag agos ng dugo.

"Nakakainis ka talaga! Nakakainis ka talaga Storm!" Pinipigil ko ang luha pero nakakainis talaga si Storm eh. Sinaktan nya 'yung sarili nya dahil sa 'kin.

"Sige umiyak ka. Ituloy mo 'yang luha mo, kapag ako nainis wawasakin ko na talaga ang pader na 'to" Banta nya kaya pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko.

"Stupid!" Sabi ko sabay diin sa sugat nya. Hindi sya uminda o umaray man lang, siguro manhid na talaga ang mga kamay nya.

"You can't hurt me by doing that."

"Sige na, ikaw na talaga 'tong malakas"

"Weak girl"

"Weak na kung weak! Pervert ka naman!"

"Tss. Poor girl" Sabi nya na parang—teka nga! Nang-aasar ba sya?! So, here we go again, asaran here, asaran there, asaran everywhere.

"Arogante!" Hmpp. 'Kala mo hindi kita lalabanan ah! No freakin' way!

"Slow"

"Babaero!"

"Green minded"

 

"Control freak!"

 

"Pandak" Pandak?Ano 'yun bagong pang-asar nya sa 'kin?!

 

"WHAT? Pandak? Ako?! Excuse me?!!!!"

"Oo. Pandak ka"

"Hindi kaya! Para sabihin ko sa 'yo above 5 feet ang height ko!" Yeah. I don't know exactly but I'm sure, above 5 feet talaga. Seriously.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon