15: Sorry Storm.

145K 1.3K 77
                                    

Girls never get mad for no reason. It may be over something small or stupid, but there's always a reason.

Chapter 15: Sorry Storm.

Hannah's POV

Natulala ako at hindi ako nakagalaw.

Pakiramdam ko nanginig yung buong katawan ko dahil sa ginawa nya.

Si Storm kasi e! Bigla ba namang inamoy yung buhok ko! Ano ba?! Gusto nya ba malaman yung shampoo ko?!

Akala nyo hinalikan nya ako no? Akala ko din e! Feeler talaga ako.

Nagulat ako lalo ng bigla nyang nilapit yung mukha nya sa leeg ko, napapikit na lang tuloy ako. Gaya ng ginawa nya sa buhok ko, inamoy nya lang din yung leeg ko.

"Hoy Storm! Bwisit ka talaga! Bakit mo ko inaamoy?! Manyakis ka talagang Storm ka!" Sigaw ko.

Pinilit kong makawala pero bwisit talaga 'tong si Storm! Ayaw akong bitiwan!

"Ano ba! Bitiwan mo sabi ako e!" Ayan na, naiinis na talaga ako sakanya!

Kaya naman, binuhos ko na talaga yung buong lakas ko, sinapak ko sya ng todo kaya nabitawan nya ako. At dahil nga sa nabitawan nya ako, sumubsob tuloy ako sa sahig.

Agad naman akong tumayo at kinuha ang bag ko. Tumakbo ako sa pinto, kaya lang, hindi ko nanaman mabuksan. Huhu!

"You're a big perv!" Sigaw ko habang patuloy na binubuksan yung pinto.

Hindi sya sumagot, kaya naman natakot ako. Unti unti kong nilingon ang ulo ko papunta sa direksyon nya at halos maubos ko na yung laway ko kakalunok.

Nakatingin lang sya sakin, yung masamang tingin na akala mo papatayin nya na ako maya maya lang. Nakatayo sya at nakasandal sa pader habang nasa magkabilang bulsa yung dalawang kamay nya.

Mukhang nagalit ko yata si Storm. Sobrang lakas kasi ng sapak ko e, hindi ko naman expect na mamumula yung mukha nya dahil sa ginawa ko. Oo, namumula talaga.

Oh noes! What am I going to do?

Tatalikuran ko na sana sya kaso biglang may tumulong dugo mula sa labi nya. Pinunasan nya naman agad 'yun gamit ang kanang kamay nya.

Nataranta ako bigla, nakunsensya at the same time. Hindi talaga ako makapaniwala na hindi lang mamumula yung mukha nya, kundi dudugo pa pati yung lips nya.

Ano bang ginawa ko sa gwapong nilalang na 'to?

Patakbo akong lumapit sakanya, nabitawan ko pa yung bag ko sa sobrang kamamadali.

"Storm? Storm sorry! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya, sorry!" Natatarantang sabi ko habang pinupunasan yung dugo sa labi nya.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon