7: Master!

159K 1.5K 95
                                    

Life is not the way it's supposed to be. It's the way it is. The way you deal with it is what makes the difference.

Chapter 7: Master!

Hannah's POV

"Shit! I'm sorry! I'm really really sorry.. Hush now please, I'm sorry.. I won't force you anymore, I won't. Please forgive me."

 

Nagising ako mula sa isang panaginip. Pawis na pawis akong tumayo para kumuha ng tubig. Napanaginipan ko nanaman sya, napanaginipan ko nanaman yung nangyari nung gabing 'yun.

Sino ka ba talaga? Bakit kita laging naaalala?

Sobrang nagsisisi talaga akong iniwan kita agad habang natutulog. Natakot lang talaga ako. Ang tanga ko talaga! Kung sana hindi agad ako umalis e 'di sana nakilala kita. Ang pinakamalaking pagkakamali ko talaga ay ang hindi ka tignan sa mukha habang may pagkakataon pa ko.

Pinilit kong matulog pero hindi na talaga ako inaantok. Nasa ospital ako't binabantayan ang papa ko, hindi pa din kasi sya nagigising hanggang ngayon.

Tinitigan ko si papa, naalala ko lang yung mga panahong ang sigla sigla pa nya. Paano na lang kami kapag nawala sya? Hindi pwede! Kailangan kong gawin ang lahat para lang mabuhay sya dahil ginawa nya din ang lahat para lang mabuhay ako. Nagsumikap syang buhayin ako kahit hindi nya ako tunay na anak kaya dapat lang na pagsumikapan ko ding mabuhay sya kahit na hindi ko sya tunay na ama.

"Papa, ang daya mo naman oh! Huwag mo namang iwan sakin si Chester at Kevin, paano ko sila papakainin? Alam mo namang wala akong matinong trabaho e, tapos ang mahal pa ng renta sa boarding house, ang daya daya mo talaga papa, gumising ka na dyan pa, magpagaling ka na. Miss na miss na din kasi kita eh." Naiiyak na sabi ko.

Hindi pa din kasi nagigising si papa after ng operation nya, ang sabi naman ng doktor nasa recovery stage pa sya kaya normal lang. Normal ba yung one week na pero hindi pa din nagigising? Haay.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala si papa, hindi ko talaga alam.

TOK TOK TOK

Napalingon ako sa pinto ng makarinig ako ng isang katok. Tatayo na sana ako nang bigla naman ding bumukas agad ang pinto. Si Chester lang pala, kasama nya si Kevin.

"Ate, sige na umuwi ka muna, ako na muna ang magbabantay kay papa." Sabi nya saka umupo sa couch malapit sa hospital bed.

Ayaw ko mang iwan si papa, wala na akong nagawa kundi ang tumayo at magpaalam sakanya. May gagawin pa kasi ako, assignments at kung ano ano pang school works ang dapat kong tapusin.

"Sige, pero, kumain na ba kayo?" Tanong ko. Hindi sumagot si Chester kaya't si Kevin ang nagsalita.

"Ako pa lang ate, si kuya hindi pa." Nalungkot ako bigla, gusto kong maiyak pero pinipigilan ko iyon.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon