13: The Test.

149K 1.3K 70
                                    

Guys, every time you mistreat a woman, you give up the right to be treated like a man.

Chapter 13: The Test.

Hannah's POV

Vacant naming tatlo kaya nagpasya akong iwan muna sila. May hihiramin kasi akong libro sa library, e ayaw naman nilang sumama kaya ako na lang mag-isa ang nagpunta.

Kasalukuyan ko ng hinahanap yung libro sa book shelves ng biglang mahagip ng mata ko si Wind. Nakaupo sya sa isang table habang nakadukdok ang ulo sa mesa. Natutulog siguro sya.

Wala namang masyadong tao kaya't solo nya lang yung isang table, pero kahit ganun pa man, madami namang malalanding babae na nagtutulakan para malapitan sya.

"Ikaw na kasi!" Sabi nung isa tapos tinulak nya yung isang girl.

"Nahihiya ako! Ikaw na!" Sabi naman nya. Tss. Ang aarte! Ang ingay pa!

"Ako na nga lang!" Sabi naman nung isa saka sya tumayo at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Wind. Hinila nya yung isang upuan saka umupo doon, napaangat tuloy yung ulo ni Wind.

"H.. Hi.." Sabi nya na medyo nahihiya. "Pwed.. Pwede bang--"

"I'm busy. Get out of my sight." Sabi ni Wind sabay patong ulit ng ulo nya sa table.

"But.."

"Get out of my sight!" Iritableng sabi ni Wind. Wala ng nagawa yung babae kundi ang umalis.

Why they're so rude? They reject all the girls, play them all, and if they're done, they will just dumped all the girls and leave them like there's nothing happen. Why do boys are boys? Ang gulo ko.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa book shelves at hinayaan na lang ang utak kong isipin kung bakit ganun sila, silang mga lalake.

Ngunit naputol ang pag-iisip ko ng bilang may nagsalita mula sa likod ko, "Why?" Tanong nya.

Ano kayang winaway-why nito sakin?

Hindi ko alam kung paano sya nakalapit sakin ng hindi ko napapansin, may sa-multo yata 'tong si Wind e. Pero honestly, na-star struck ako! Lapitan ka ba naman ng gwapo e.

"Ha?" Tanong ko.

"Why you became his slave?" Seryosong nakatitig sya sa mata ko.

"Sa.. Sakanya mo na lang itanong Wind." Sagot ko naman kasabay ng pag-iwas ng mata ko.

"Hindi ka ba talaga nag-iisip? O tanga ka lang talaga?" Nagulat ako sa sinabi nya. Parang iba na yata yung tono, parang ang sakit na yata.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon