10: The Punishment.

153K 1.3K 51
                                    

Don't try to find a point behind everything, find a purpose.

Chapter 10: The Punishment.

Hannah's POV

Lumayo ako sa tapat ng room para hindi masyadong marinig at nagpunta ako sa gilid ng hagdan.

"Si.. Sino 'to?" Tanong ko kahit alam ko nanaman kung sino ang kausap ko.

"You're dead!" Sabi nya sabay end ng tawag. Natulala muna ako saglit bago ko naisip ang mga pangyayari.

Si Sir Lucas na malamang pagpasok ko sesermunan ako dahil sa naka-on kong cellphone.

Ang mga classmate kong pagtsi-tsismisan nanaman ako mamaya.

At si Storm na walang kwentang kausap, na gwapo nga pero wala namang puso.

Bwisit ka talaga Storm! Patay ako kay Sir Lucas dahil sa tawag mo tapos 'yun lang ang sasabihin mo?! Bwisit ka talaga! Napakasama ng ugali mooooo!

"BWISET KA!!!" Sigaw ko ng sobrang lakas. Naiinis talaga ako sakanya!

"Ang ingay mo" Halos magkandagulat gulat naman ako ng makita ko kung sino ang nagsalita, tapos lumaki pa yung mata ko na akala mo nakakita ng gwapong multo.

Si Wind lang naman po. Ang aking super duper number one ultimate crush.

Natulala pa ako sa pag daan nya sa harap ko. Para kasing may dumaang artista kaya na-star struck ako ng bongga.

"..Sorry" Sabi ko habang nakatingin sa likod nyang palayo na sakin.

Bigla syang humarap, tapos tumigil saglit. "Hannah" Sabi nya.

"B.. Bakit?" Tanong kong nauutal pa.

"Huwag ka ng iiyak ulit" Sabi nya sabay talikod. Parang tuod naman akong nakatayo habang nakatulala sa likod nyang naglalakad palayo.

Did he call me by my name? Oh my, God! Kilala nya ako! Alam nya ang pangalan ko! At hindi lang 'yun, sinabihan nya pa ako na 'wag daw akong iiyak! Concern sya sakin! Ayieee.

Ang saya saya ko talaga, sa sobrang saya ko nagtatatalon pa ako dahil sa sobrang tuwa. Kinikilig talaga ako! :D

Haaay. Why you so gwapo Wind?

Nakangiti akong lumakad pabalik sa classroom, huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang door knob. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay bigla ng nagsalita si Sir Lucas.

"Next time, turn off your phone" Yun yung pinakamagandang sinabi nya sakin and the rest puro sermon na. Syempre hindi ko na 'yun pinakinggan. Humanda ka sakin Storm! Kakatayin kita! Grr.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon