27: Jealous.

134K 1.3K 124
                                    

This chapter is dedicated to Krizaalvarez. Thankyou for reading dear! Lagi kitang napapansin sa SMP page and super natutuwa talaga ako sayo. Thankyou again and Godbless you! :*

Please play the vid entitled Jealous by Nina. and look at the multimedia, say Hi to Jd and Jc Cheng! :D

~~

Girls never get mad for no reason. It may be over something small or stupid, but there's always a reason.

Chapter 27: Jealous.

Hannah's POV

Natulala ako ng bigla na lang hatakin patayo ni Ms. Natty si Storm, tapos pinatong nya yung dalawang kamay nya sa magkabilang braso nito at dun, sa pangalawang pagkakataon..

Hinalikan nya si Storm.

Sa pangalawang pagkakataon, nainis ako, nabwisit at nakaramdam ako ng kakaiba.

"Hmmm" Ungol ni Ms. Natasha.

Hinahalikan nya si Storm, yes torridly, yung parang wala ng bukas, yung parang wala kaming mga nakakakita, habang si Storm naman hinahayaan lang sya, hindi sya gumaganti ng halik pero hinahayaan nya naman.

Naiwas ko ang tingin ko sa kanila at napainom na lang ako ng tubig. Nanginginig kong binitiwan ang baso habang hindi pa din nakatingin sakanila.

Sa totoo lang, may gustong lumabas na likido mula sa mga mata ko pero pinipigilan ko lang. Ewan, hindi ko alam. Siguro dahil naapakan ako sa paa ni Lourie dahil na din sa sobrang shocked.

Oo, dahil dun nga. Hindi dahil nagpapahalik si Storm sa isang artistang sobrang ganda, sexy, mayaman at patay na patay pa sakanya. Oo tama, hindi talaga dahil dun..

Sana.

At ewan ko ba, para akong lumulutang, sa sobrang lutang ko hindi ko na napansin na may biglang humatak sa braso ko.

Hindi ko na sya napansin, basta hinayaan ko na lang syang hatakin ako.

Hanggang sa mamalayan ko na lang na nasa play place na ako ng G5, nakatayo ako at nakasandal sa billiards table.

Inikot ko ang mata ko at dun ko nakita ang taong nag alis sakin sa sitwasyong pakiramdam ko pumapatay sakin.

Si Wind..

Nakaupo sya sa couch, nakatalikod sakin habang nakayuko.

"Hannah" Tawag nyang hindi nakatingin sakin.

Hindi ako sumagot dahil pakiramdam ko wala pa din ako sa earth, pakiramdam ko naiwan yung puso kong lumulutang sa kawalan.

"Nandito lang ako" Sabi nya.

Kung kanina magulo ngayon mas lalong gumulo. Kung kanina lumulutang ako ngayon mas lumulutang ako.

"Nandito lang ako para sayo, Hannah.." Pagkasabi nya nun bigla syang tumayo, lumakad sya papunta sakin at..

Hindi na ako nakapagsalita, hindi na ako nakagalaw dahil hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at bigla akong hinalikan.

Nakatulala lang ako, yung mga mata ko ang laki na dahil sa sobrang pagkabigla.

At oo, hinalikan nya ako sa labi, kagaya ng paghalik ni Storm sa mga labi ko.

Kagaya ng paghalik ni Storm..

Kagaya ng paghalik ni Storm..

Hindi ako makapagisip ng matino, masyado akong nagulat ng halikan nya ako at masyado akong nalulunod sa alaala ng halik ni Ms. Natasha kay Storm.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon