21: Kiss stealer.

142K 1.5K 97
                                    

Warning: Kinilig ang otor sa chapter na 'to kaya madaming CAPSLOCK. At isa pa, mahaba ang A/N sa dulo. Ang hindi magbasa nun panigurado TAMAD. Hahaha! Tignan nyo yung picture sa multimedia, sino nga ba naman ang makakatulog nyan diba? Hihihi.

This chapter is dedicated to glhaixuhmii. Thanks for reading my dear. Godbless you! :* Hello nga pala kay Princes (Lil_cess) ang batang adik sa Kpop. Lol. Hahaha!

~~

 

Your perfect match is waiting for you to realize your a perfect catch.

Chapter 21: Kiss stealer.

Hannah's POV

Oo na talaga. Hindi ko na itatanggi.. Storm..



I'm drooling on YOU.

Sshh.. Secret lang natin 'yun ah? Ewan ko ba, ang gwapo nya talaga ngayon. Although gwapo naman talaga sya lagi pero parang iba talaga sya ngayon.

Parang nadagdagan yung kagwapuhan nya nung suot nya yung pajama kong color pink na bitin naman sakanya.

Isa pang nagpagwapo sakanya yung WET LOOK nya. Wala lang, ang hot lang nya.

Ay ano ba! Hannah 'wag ka ngang mag-isip ng kung ano ano! Nagugwapuhan ka lang kay Storm, okay? Nothing more!

"Hoy Storm marami akong unan, kung gusto mo bibigyan kita kaya pwede ba 'wag mo ngang gawing unan ang hita ko!"

Singhal ko. Nakapikit lang sya habang nakaunan sa lap ko. Mukhang tulog na ata. Pero pramis ang pogi talaga.

"Ayoko" Sagot nyang nakapikit.

"At bakit?! Umalis ka na nga!"

"Mas malambot dito" Sagot nya.

Hindi na ako nakasagot. Hindi ko inaasahang mapapangiti ako ng mga salitang 'yun. Tinitigan ko na lang yung mukha nya.

Okay lang naman siguro, hindi nya naman ako nakikita. Saka tulog naman sya e.

"Baka matunaw ako nyan" Kaso bigla syang nagsalita kaya napaiwas ako ng tingin.

"H-ha?!" Nauutal na sabi ko.

"Ang sabi ko, baka matunaw na ako nyan" Nakapikit nyang sabi.

"At bakit naman?! Ha?!"

"Titig na titig ka e" Confident nyang sagot.

O diba ang kapal ng mukha? At o diba ang taas ng bilib sa sarili? Batukan ko sya dyan e!

Nagtataka na talaga ako dito kay Storm. Yung totoo, may super powers ba sya? Kanina alam nyang uulan tapos ngayon naman alam nyang tinititigan ko sya. O baka naman..

May third eye sya? Lol ang korni ko na.

"Kapal ng mukha mo. Kung umaalis ka na kasi dyan eh 'di sana hindi na kita natitignan" Sagot ko pa.

"Eh, 'di tinititigan mo nga ako"

"Bakit masama?! Ikaw nga dyan kung makatitig akala mo mawawala ako e!" Sabi ko naman.

Dinilat nya yung mata nya kaya nagkatinginan kami. Ang awkward lang kasi nakahiga pa din sya sa lap ko habang ako naman nakatungo sakanya.

"O sige, payag na ako, titigan mo na din ako. Dalian mo habang hindi pa nagbabago ang isip ko." Sabi nya.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon