Chapter 17: Happiness in Disguise

ابدأ من البداية
                                    

"So, hanggang dito na muna tayo. Do you like the story?"

Bumangon ako at binigyan siya ng ngiti. "Oo naman. Basta galing sa 'yo ang libro at basta ikaw ang nagbabasa, nabibigyan kulay ang lahat."

So he also smiled at me as he closed the book. He held my hand tight then kissed it.

"I love you."

"And I love you," I said as I held his hand too.

The three-letter words that came out to his mouth is so sweet and sincere. Kahit ilang beses niya na 'yon nasabi sa akin ay hindi pa rin ako makapaniwala. Masyado lang talaga akong naninibago. Because of this allergy, I met him. Siguro kahit papaano ay masasabi kong swerte at masaya akong nagkaroon ng ganitong allergy dahil nakilala ko si Binx. I mean, it's a blessing in disguise. A happiness in disguise. Lahat kasi ng binibigay ni God ay may katumbas na halaga at rason. Si Binx ang patuloy na nagbibigay ng lakas at pag-asa sa 'kin. He guided me to the right pathway. Kahit may mangyaring masama sa 'kin soon... hindi ko pagsisisihan na nagkaroon ako ng ganitong sakit. It's all because of HIM. Double meaning 'yon, si God at siya. Palaging mayroong rason kaya nangyayari ang ganitong bagay sa buhay natin. It's because sinusubakan Niya kung gaano tayo katatag at kung gaano kataas ang pananalig natin sa kanya.

My allergy taught me how be strong. It taught me how to fight. It taught me how to love. Kung sa iba siguro isa itong pabigat at hadlang, well for me, I considered this as an opportunity to face the reality. Ang reyalidad na hindi lang puro saya ang kailangan. Ang reyalidad na ang buhay natin ay mayroong purpose at responsibilidad na kailangang punan upang makapagpatuloy tayo sa hinaharap. At kasama ko ang pamilya ko, si Binx at Reanna para harapin lahat ng 'yon. I'm sure marami ding naniniwala sa 'kin so I also considered them as my strength.

To tell you honestly, I'm not afraid of death anymore. Handa na ako sa kung ano man ang mangyayari sa 'kin kaya ayokong sayangin ang mga natitirang araw ko para makasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Maiksi lang ang buhay para magdrama at maging malungkot. Ika nga nila, 'Live life to the fullest' and so am I. I'm going to live my life to the fullest even though it cost me to death. Mag-papatherapy ako hangga't kaya ko at lalaban ako hangga't kaya ko pero kung talagang oras ko na, malugod ko iyong tatanggapin dahil alam kong may isa pang buhay ang naghihintay sa 'kin sa kabilang mundo.

"Eve!"

Napakurap-kurap ako dahil sa biglang pagsigaw ni Binx.

"Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko. Your parents are already awake."

Hinampas ko nga. Biglang humangin ng malakas, eh. Patapon ko 'to sa Korea, eh! Joke lang. Love love ko 'yan kahit ganyan 'yan katopak or ka-moody. Iba kasi ang pag-uugali niyan eh pero intindidong-intindido ko.

"Hi, Mom. Hi, Dad."

"Mukhang ang saya mo ata ngayon, ah? Anong meron?" nakakunot-noong tanong ni mommy pero may konting ngisi sa kanyang mga labi.

"Oo nga. Binx, may ginawa ka ba sa kanya?" segunda naman ni daddy na siyang ikinatawa ko.

"Kayo talaga! Ganito na naman ako dati, 'di ba?"

"It's just weird and strange because... I mean, anyway, I'm so happy to see you smiled like that again, Eve," si mommy na maluha-luha na naman ang mga mata.

"Mommy naman! Kapag nakita ko kayong umiyak, magagalit ako. Sige kayo! Kasali ka 'don Binx!" Hampas ko kay Binx saka ulit binalik ang pansin ko kila mommy at daddy.

"Aba! Hinahamon tayo ng sweetheart natin. Hindi kami uurong diyan!"

Natawa ulit ako sa sinabi ni mommy ganoon din sila daddy at Binx. Ang gaan sa pakiramdam na ganito kayo. I wish for this to happen everyday. I wish for them to be happy even though I'm gone...

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن