Chapter 14

4.9K 247 214
                                    

Chapter 14

"Killius..." sambit ko.

So, ang tunay niyang pangalan ay Killius.

Wala man akong nakuhang kompirmasyon kay Freak este kay Killius ngunit ramdam kong may katotohanan 'yon. Katotohanan na hindi niya sinabi sa akin noon o binanggit man lang. Hindi ko na tuloy matukoy kung may mga katotohanan ba ang mga pinagsasabi niya sa akin. Isa na roon ang sinabi niyang tutulungan niya akong makatakas ng Bastille.

Lalo akong nakaramdam ng pagkadismaya at galit. Sa buong nagkasama kami, ginamit niya lang ako at pinagmukhang-tanga.

"Patawarin mo ako, Prinsesa. Gustuhin ko mang ipagtapat at ipaliwanag sa'yo ang lahat ngunit hindi pa ito ang tamang pagkakataon. Sa ngayon ay isipin mo munang may mabigat akong rason sa paglilihim ng mga bagay sa'yo. Mas nakabubuting wala kang alam dahil maaari mo lamang ikapahamak ang mga bagay na malalaman mo tungkol sa akin," mahaba niyang litanya.

"Lumang tugtugin na 'yan, Killus," mariin kong sagot sa kaniya lalo na ang pagbigkas sa pangalan niya. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang loob ko dahil sa mga nangyayari. Ang paglilihim niya at higit sa lahat, ang pag-agaw niya ng kontrol sa katawan ko at pananakit kina Jeda at Tyga.

"Ibalik mo sa'kin ang kontrol sa katawan ko at baka mabawasan kahit kaunti ang galit ko para sa'yo!"

Hindi na sumagot si Killius lalo't pareho nang natuon ang atensiyon namin sa Seven Saints.

Humanda sa mangyayaring laban si Killius. Wala man akong kontrol sa katawan ko ngayon ngunit ramdam ko ang tensiyong nararamdaman ng katawan ko...o ni Killius.

Humakbang papalapit si Ranjorg. Ang bawat hakbang niya ay puno ng bigat at pwersa na nagdudulot nang bahagyang pag-uga at pagbitak sa lupa.

"Ganito siya kalakas?" bulalas ko. Ganito ba talaga kalakas ang Seven Saints? Paano pa kaya kung narito silang lahat?

Hindi ko maiwasang matakot.

"Sa katunayan niyan, ang tatlong nasa harap natin ang pinakamahina sa pito," narinig kong wika ni Killius. May sinabi pa siya tungkol sa pagkakaroon ng sariling katawan ngunit hindi ko na masyadong nawawaan lalo't halos pabulong na niyang sinabi 'yon.

"Kill..." wika ni Ranjorg. "Masaya akong nagharap tayong muli, kaibigan..."

Magkasunod na atake ang isinagot ni Killius sa pagbati ni Ranjorg. Hindi pa nakuntento ay pinaulanan pa niya ito ng mga atake. Tila ba gusto na niya agad itong tapusin na hindi man lang binibigyan ng pagkakataong makabawi o makaatake. Gusto na niya itong puruhan kaagad.

Alam kong hindi ito natural kay Killius. Hindi siya ganito makipaglaban. Kung bakit, isa lang ang naiisip ko. Sa tingin ko na sa oras na magkaroon ng pagkakataong makabawi si Ranjorg...katapusan na namin.

"Tama ba ako, Freak?" seryoso kong tanong. Hindi sumagot si Killius sa halip ay tinuloy lamang ang mga pag-atake.

Wala akong nagawa kundi ang manood na lang sa laban. Kung titingnan, masasabing one sided ang laban, na dehado si Ranjorg at walang binatbat kay Killius.

Ngunit hindi 'yon ang nakikita ko. Kabaligtaran ang totoong nagaganap.

Lahat ng atake ni Killius; suntok, sipa, maging ang kung anong kapangyarihan at pwersang binibigay niya ay pawang tinatanggap lang lahat ni Ranjorg. Ni hindi nga 'to nag-aabalang salagin ang mga atake. Ang malala pa'y tila hindi ito nasasaktan ni naapektuhan man lang. Ni galos ay wala ito.

"Isa kang hangal, Killius. Sa tingin mo ba ay kaya akong patumbahin ng taglay mong pipitsuging kapangyarihan ngayon?" biglang sabi ni Ranjorg at sinalag ang kamao. Pagkatapos ay mabilis niya kaming ibinalya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Prisoners of BastilleWhere stories live. Discover now