Chapter 9

3.2K 206 36
                                    

Chapter 9

"Ayoko na!" wika ko habang hingal na hingal na nakahiga sa sahig. Kanina pa ako nagpu-push ups pero hanggang tatlo lang talaga ang kaya ko.

Suko na ako! Hindi ko kaya ang bigat ng katawan ko.

'Ano, suko ka na?! Aba, paano ka mananalo kay Terra niyan?'  wika ni Freak. 'Kailangan mong palakasin ang katawan at pisikal na lakas mo para makayanan mo ang lakas ng kapangyarihan ko.'

Tsk. Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Freak kaya hindi na ako nakipag-argumento pa rito. Maaaring ikamatay ko ang lakas ng kapangyarihan niya kung ganito kahina ang pangangatawan ko kaya naman pinupursige ako nitong mag-ensayo.

Naipaliwanag na rin nito sa akin na sa kasalukuyang estado ng pisikal na lakas ko ay hindi ako tatagal sa laban, kung sakali. Sa pagkontrol pa lang daw ng kapangyarihan niya, eh tiyak na bibigay na ako, ano pa kaya kung may kalaban pa? Sa tantiya pa nga niya ay hanggang limang minuto lang ang itatagal ko. Sagad na 'yon.

'Ano, Yvarra? Hihiga ka na lang ba dyan?! Mabubulok ka rito kung ganyan ka. Walang knight in shining armor na dadating para iligtas at itakas ka rito sa Bastille kaya ituloy mo na ang pag-i-ensayo mo! Wala kang mapapala kung—'

"Shut up!" Napalakas ang pagkakasabi ko kaya napalingon sa akin si Jeda na nagme-meditate sa isang sulok. Humingi naman agad ako ng paumanhin.

Tsk. Peste kase 'tong Freak na 'to, nanenermon pa eh wala naman masyadong naitutulong.

'Hwag kang atat, pwede? Kita mo namang hindi ko kaya ang bigat ng katawan ko eh!' ani ko sa isip.

Though aminado akong may point ito. Kailangan kong magpursige kung gusto ko talagang makatakas dito sa Bastille.

Anyway, muli akong sumubok. 'Di magtatagal ay masasanay rin ako.
.

.

.

"Damn!" 'di ko mapigilang sabi. Nanginginig na ang mga braso ko pero hanggang tatlong push ups lang ang kaya ko.

'Alam mo kung bakit ka nahihirapan?'

'Kasi mahina ako dahil dati akong prinsesa na walang ibang alam kundi umasa sa mga tagasilbi,' sarkastikong sagot ko rito.

'Hindi.'

'Eh ano?'

'Boobs mo ang nagpapabigat sa katawan mo kaya ka nahihirapan.'

Automatic na napagkrus ko ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko kahit wala namang mangyayari.

'Bastos mo!'

Loko nito! Pakialaman ba naman pati boobs ko! May magagawa ba ako kung gifted ako?!

'Isa akong espiritu kaya wala akong malisya patungkol sa mga bagay na 'yan, Yvarra. Pero seryoso, ang boobs mo ang nakikita kong problema mo. Hindi maipagkakaila dahil bilang espiritu na naninirahan sa katawan mo, dama ko 'yon!'

Argh!

'H'wag mo na lang ngang pakialaman ang boobs ko dahil wala rin naman akong magagawa kung gifted ako sa parteng 'to! Alanga namang tapyasin ko 'to para gumaan ang katawan ko! Tsk. Alam mo ikaw, kung wala kang matinong sasabihin, manahimik ka na lang. Panggulo ka, eh.'

'Sinasabi ko lang ang opinyon ko, Yvarra.'

'Pwes, isantabi mo 'yang opinyon mo kung hindi naman makakatulong sa atin. Ba't hindi mo na lang kaya sabihin ang mga nalalaman mo tungkol sa Bastille?'

Prisoners of BastilleWhere stories live. Discover now