Chapter 1

9.7K 356 15
                                    

Chapter 1


"Yves, kinakabahan ako sa plano mo!"

"'Di ka pa ba sanay, Jovi?! Ang tagal na nating ginagawa 'to kinakabahan ka pa?" sabi ko habang inaayos ang wig nito. 

Tatakas kasi ako para gumala at ang personal na tagasilbi ko na kaibigan ko rin ang magpapanggap muna na ako. Actually, ang gagawin lang naman niya ay humiga sa kama ko at matulog para 'pag nagcheck sina Dad o kung sinumang bantay ko, ang makikita nila ay ang napakabait nilang prinsesa na nahihimbing sa pagtulog. 

Hinila ko si Jovi at humarap kaming dalawa sa salamin. Suot ko ang uniporme ng mga tagasilbi sa palasyo pero doble ko lang ito. Tatanggalin ko rin ito paglabas ko. Alangan naman kasing pumunta ako ng bar at gumimik na ganito ang suot ko. Si Jovi naman ay ang damit kong pantulog ang suot at ang wig na kapareho ng buhok ko.

"Ayos ba?" nangingiting sabi ko.

"Yves naman, kinakabahan talaga ako ngayon! Paano kung may biglang maghanap sa 'yo? Lagot ako!"

"Ano ka ba? Malalim na ang gabi at siguradong tulog na kung sino man ang maghahanap sa akin!"

"At saka hindi lang naman 'yon eh. Nabalitaan mo na ba ang nangyari kahapon sa Bastille?"

Kumunot ang noo ko nang banggitin nito ang pamosong kulungan sa bansa ngayon. Impyerno ang turing sa lugar na iyon kaya naman takot ang mga taong gumawa ng masama para hindi sila maipatapon doon. Isa pa, kulungan iyon hindi lamang ng mga taong may mabigat na pagkakasala sa batas. Kulungan din iyon ng mga nakakatakot na nilalang.

"So?"

"Nagkaroon ng jailbreak kahapon at may ilang presong nakatakas." Kita ko sa mukha nito ang takot. Bahagya pa nga itong nanginginig. "Paano kung gumagala sila ngayon sa Metropolis? Yves, parang awa mo na, ipagpaliban mo muna ang plano mo ngayon dahil napakadelikado!"

"H’wag ka ngang praning! At saka matagal na naming plano 'to kaya hindi ako pwedeng hindi sumipot. Isa pa, naroon si Ivan—"

Nag-ring ang phone ko. Tumatawag na si Phoebe, isa sa mga kaibigan ko na galing din sa maharlikang angkan.

Sinagot ko ang tawag.

"Yves! Nasaan ka na?!"

"Eto na, on the way na!" sagot ko at agad na tinapos ang tawag. Baka kasi malaman pa nitong nasa bahay pa ako.

"Girl, ikaw na ang bahala ah," sabi ko kay Jovi at nagmadali na.

"Pero umuwi ka kaagad ah," wika nito na mangiyak-ngiyak pa.

"Sure! Haha! Bye, Jovi!" 

Muli kong inayos ang wig na suot ko at tinakpan ng mask ang bibig ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang tray laman ang pinagkainan at lumabas ng kwarto.

Hindi pa man ako nakakalayo ay hinarang ako ng mga guards.

"Tanggalin mo 'yang takip sa mukha mo!" utos ng isa sa mga ito.

Umarte akong nauubo at pagkatapos ay sinagot ang mga ito gamit ang boses na parang namamaos.

"P-Pasensya na po, hindi po pwede. May sakit po kasi ako," sagot ko at umubo-ubo pa.

"Tch! Kung may sakit ka pala ay 'di sana ay nagpahinga at nagpagaling ka. Baka mamaya ay mahawaan mo pa ng sakit ang prinsesa!"

Tumungo lang ako at 'di na ito sinagot.

"O siya! Umalis ka na!"

Pagkasabi n’on, nagmadali na akong umalis at nagtungo sa kusina. Sakto wala ng tao!

Prisoners of BastilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon