Chapter 11

3.8K 245 113
                                    

Chapter 11

Dahil sa proteksiyon ni Arviel, kahit papaano ay nabasawan ang hirap ng buhay ko sa Bastille. Naging maayos at luminis ang selda namin ni Jeda at higit sa lahat, nakakakain ako ng disenteng pagkain. Simple ngunit malinis at pagkain talaga ng tao.

Akala ko ay tuloy-tuloy na 'yon hanggang sa makalabas ako ng Bastille ngunit mali ako. Pansamantala lang ang kakarampot na ginhawang tinatamasa ko ngayon. Kumbaga, patikim lang. At ang lahat ng ito ay kagagawan ng walang iba kung ng mukhang tambakol na si Terra.

'Sinabi ko na kasi sa 'yo, 'di ba, Yvarra? Hwag kang umasa dahil masasaktan ka lang. Oh ano napala mo ngayon?' pang-aasar ni Freak at sinabayan pa ng halakhak. 'Nasaan ang Arviel mo?'

"Leche, tumahimik ka!" angil ko. Napatingin ang mga gwardiyang nasa tabi ko kaya do'n ko lang narealize na malakas na nasabi ko 'yon imbes na sa isip lang.

Nagtawanan naman ang mga ito at sinabihan pa akong nababaliw kaya lalong nadagdagan ang inis ko.

Hindi ko na pinansin ang mga gwardiyang maghahatid sa akin kay Terra lalo na ang mga halakhak ng bwiset na espiritu na imbes na tulungan ako ay nang-aasar pa. Ayokong pumatol lalo't nahihiwagaan ako kung bakit gusto akong makita ni Terra.

Nang makarating kami sa silid ay marahas akong itinulak ng mga gwardiya sa harapan ni Terra na prenteng nakaupo sa trono niya.

"Princess Yvarra..." nakangising bungad ni Terra.

Nawala sa kanya ang atensiyon ko nang mapansin ko ang lalaking medyo may edad na nasa tabi ni Terra. Tuwid ang tindig nito at magara ang kasuotan. Isang maharlika. Hindi ko man siya kilala pero namumukhaan ko siyang kasa-kasama ni Mildred sa palasyo. Kung bakit ito naroroon ay hindi ko matukoy ngunit isa lang ang nasisiguro ko, hindi magandang balita ang pagpunta nito sa Bastille lalo't may kutob akong sugo ito ni Mildred.

Inayos ko ang pagtayo at tindig ko at 'di inalintana ang bigat at dulot na hapdi ng mga kadena sa mga kamay at paa ko.

"Ano'ng kailangan mo, Terra—"

Bigla niyang ikinumpas ang kamay at biglang bumigay ang mga tuhod ko at marahas akong napasalampak sa sahig. Pakiramdam ko ay mababali pa ang mga braso at kamay ko dahil sa bigat ng hatak ng kadena dahil sa ginawa ni Terra.

Parang ganito rin 'yong ginawa niya nung hunt!

"Mas maganda siguro kung Panginoon ang itatawag mo sa akin, prinsesa..." ani Terra at humalakhak na parang wala nang bukas.

"I-In y-your dreams—Agh!"

Hindi naman nagtagal ay binawi rin ni Terra ang kapangyarihan niya.

Galit ko siyang tiningnan ngunit nginisihan lang niya ako.

"Napakababa mo para tawagin kong panginoon!" singhal ko sa kanya nang makabawi ako sa ginawa niya.

Papatulan pa sana ako ni Terra ngunit pumagitna ang lalaking maharlika at pinigilan ito na ulitin ang ginawa sa akin o sa kung anuman ang balak nito. Hindi man nagsalita ang lalaki ngunit tumingin naman ito kay Terra nang makahulugan at tumango.

'Hindi maitatatwang may binabalak sila sa 'yo, Yvarra,' ani Freak.

'Ngayon mo lang napansin?' sarkastikong sagot ko ngunit naroon ang takot na hindi ko maitatago. 'Sa tingin mo ba papatayin na nila ako?'

'Marunong ka rin palang magbiro, Yvarra. Papatayin? 'Yan siguro ang isa sa mga magaan na parusa ng Bastille,' ani Freak ngunti pagdaka'y sumeryoso. 'Sa sobrang bigat ng parusa sa Bastille, ang mga bilanggo na mismo ang hihiling na patayin na sila.'

Prisoners of BastilleNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ