Chapter 13

2.7K 179 52
                                    

Chapter 13


Biglang nagbago ang isip ko na lalo pang pahirapan at palasapin si Terra ng unti-unting kamatayan. Sapat na ang nakikita kong paghihirap niya ngayon. Kailangan ko na siyang tapusin.

Tumakbo ako papalapit kung saan siya tumilapon sa huling atake ko.

"Suko ka na ba, Terra?" sabi kong nakangisi habang pinagmamasdan siyang hirap tumayo. Maliban sa mukha nito, duguan din ang magkabila niyang braso. Puro luray-luray na laman na ang kita roon dahil literal na binalatan ko siya ng buhay kanina.

"P-Pagsisihan mo 'to, Yvarra! Patayin mo man ako ngayon, hindi ka pa rin makakalabas ng buhay sa Bastille!" Tumawa ito nang pagak at pilit na inangat ang kamay. "Natitiyak kong hindi ito palalampasin ng Seven Saints!"

Nagliwanag ang singsing nito at kumislap-kislap ngunit wala namang nangyayari.

Biglang nagsalita si Freak na nakapagpaalarma sa akin. 'Pigilan mo siya, Yvarra! Tinatawag niya ang Seven Saints!'

Sa sinabing 'yon ni Freak ay bigla kong sinunggaban si Terra. Ubod lakas ko siyang sinipa sa sikmura. Sa lakas ng atake ko ay halos mabutas ko na ang tiyan niya.

Imbes na mamilipit at lumukot ang mukha sa sakit ay bumunghalit ng tawa si Terra. "P-Parating na sila, Yvarra!"

Tila wala na ito sa katinuan lalo na nang muli ako nitong sinugod sa kabila ng pinsala ng katawan nito. Basta na lang itong sumusuntok at sumisipa na siyang madali ko lang na naiilagan.

Naglabas ako ng kapangyarihan at binalot ng itim na usok ang kamay ko. Iyon ang ginamit ko para salubungin ang sipa ni Terra. Madali kong nahawakan ang binti niya. Agad na gumapang ang itim na usok sa binti niya mula sa kamay ko.

Binalot ng sindak ang mukha ni Terra lalo't alam niya kung ano ang gagawin ng usok na 'yon. Humiyaw siya nang pagkalakas-lakas dahil unti-unting natutuklap at nalalapnos ang balat niya sa binti dahil usok.

Nang mapansin kong muli na namang kumislap ang singsing sa kamay ni Terra ay tuluyan ko na 'yong hinablot. Naputol ko pa ang daliri kong saan 'yon nakasuot.

Pagkatapos ay hinawakan ko siya sa leeg.

"Katapusan mo na," anas ko at sa isang iglap ay nilukob si Terra ng itim na usok na nagmula sa kamay ko. Unti-unti nalalapnos ang mga kalamnan niya hanggang sa maging buto na lamang na natutunaw sa hawak ko.

Balewala kong pinagpag ang kamay ko pagkatapos. Ngayo'y pinagtuunan ko ng pansin ang singsing na nasa kabilang kamay ko. Matapos kong titigan 'yon ng ilang sandali ay walang pagdadalawang-isip na tinunaw ko 'yon. Kahit si Freak na gusto pang pumalag sa ginawa ko ay hindi na nakaimik.

Wala akong pinagsisihan kahit pa sabihing malaking bagay ang maibibigay nitong kapangyarihan para makaalis dito sa Bastille. Mabuti nang maglaho ito kesa mapunta pa sa ibang kamay at magkaroon pa ng panibagong Terra.

Bumalik ako sa mataas na bahagi at pinagmasdan ang patay na kagubatan sa ibaba. Nakita ko ang iba pa pang mga preso na naglalaban-laban. Preso laban kapwa sa preso. Ang iba'y laban sa mga Seraph.

Naisip kong pigilin ang kaguluhan ngunit bago ko pa 'yon maisakatuparan ay may kakaibang nangyari sa akin. Bigla na lang kusang kumilos ang katawan ko. Kahit anong gawin ko ay hindi bumabalik ang kontrol ko sa sarili ko. Kahit magsumigaw ako ay tila sa isip lang ako sumisigaw. Parang naging isang kamalayan na lang ako sa isip.

"Anong nangyayari?! Freak?! Anong nangyayari?!" paghihisterikal ko.

'Patawad, Prinsesa,' tanging sagot niya. Ni hindi na nga siya nagbigay ng anumang paliwanag. Dahil dito ay kinabahan ako at nakaramdam ng galit.

Prisoners of BastilleWhere stories live. Discover now