Chapter 12

3.6K 258 112
                                    

Chapter 12

Lalong dumiin ang pagkagat ko sa mga labi ko para pigilin ang sigaw na gustong kumawala sa lalamunan ko nang tumindi ang hapdi at nakangingilong kirot na nararamdaman ko sa muling paglatay ng latigo sa akin. Hindi ko man kita ang likuran ko ay alam kong luray-luray na ang laman sa likod ko dahil sa makailang ulit na paghagupit sa akin.

Hindi sanay ang katawan ko sa ganitong parusa kaya sa kabila ng dinaranas ko ngayon ay nagtataka ako kung bakit hindi pa rin ako nawawalan ng malay sa mga oras na ito. Sa totoo lang ay gusto ko nang mawalan ng ulirat para hindi ko na maramdaman pa ang pagpapahirap nila sa akin.

Nalasahan ko na ang dugo sa mga labi ko sa muling paghagupit sa akin ng latigo. Kumawala na rin ang malakas na sigaw na kanina ko pa pinipigilan. Impit akong umiyak ngunit kailanma'y hindi ko ibibigay ang nais nila. Hinding-hindi ako magmamakaawa kahit nakakawala ng katinuan ang hirap at sakit na pinaparanas nila sa akin ngayon.

'Magpakatatag ka, Yvarra...' narinig kong wika ni Freak.

'I wanna black out, Freak. H-Hindi ko na kaya...'

'Gawa 'yon ng usok mula sa insenso na nasa sulo, Yvarra. Pinapanatili nito ang kamalayan ng bawat nilalang para hindi makatakas ang sinuman sa hagupit ng parusa ng Bastille,' paliwanag ni Freak.

Hindi na ako nakatugon dahil narinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na tinig.

"Terra!"

Arviel...

Nag-angat ako ng tingin ngunit hagupit ng latigo ang sumalubong sa mukha ko at halos mamatay-matay ako sa hapdi na dulot n'on.

"Inuutos ko, Terra, pakawalan ninyo ang prinsesa!" muli kong narinig na sigaw ni Arviel na galit na galit.

"Hindi ko maaring gawin 'yon! Isang napakabigat na kasalanan ang nagawa niya kaya't imposible ang nais mo! Ang pagpaparusang ito ay batas ng Bastille na hindi kayang baliin kahit ng mga nasa kapangyarihan!"

Patuloy na nagtalo si Arviel at Terra ngunit hindi na nagrerehistro sa utak ko ang mga salitang ibinabato nila sa isa't isa. Tila naging ingay na lang ang mga ito sa pandinig ko habang dinaranas ko ang hapdi at kirot ng mga latay sa katawan ko.

Hindi ko na rin namalayan kung gaano katagal pa ang nagdaang sandali hanggang sa mawala ang amoy ng insenso at sakupin ng dilim ang kamalayan ko.

***

'Freak?' ani ko sa isip nang magkamalay ako. Wala akong makita kundi purong kadiliman. Wala akong ibang maamoy kundi ang sangsang ng kulungan o bartolinang pinagdalhan sa akin. Sinubukan kong kumilos ngunit bigo ako. Hindi ko alam kung 'yon ba ay dahil sa mga kadenang nakagapos sa akin o dahil sa paralisado na ang katawan ko dahil sa tindi ng sinapit nito.

"Freak?" wika ko. Nanginig ang mga nanunuyong labi ko. Gusto ko kahit isang patak lamang ng tubig sa bibig ko.

"F-Freak?!" muli kong tawag sa kanya ngunit wala akong nakuhang tugon.

Binalot ako ng takot kundi agad ding nawala 'yon nang marinig ko ang boses ni Freak.

'F-Freak, d-don't leave me. D-Dito ka lang. H-Hwag mo 'kong iiwan,' pakiusap ko sa kanya habang unti-unting bumubuhos ang emosyon ko. Sa ngayon ay parang siya na lang ang makakapitan ko at ang tanging kakamping magbibigay ng lakas ng loob sa akin para mag-survive dito.

'Hindi kita iiwan, Yvarra, kaya magpakatatag ka. Pansamantala lang ang paghihirap na ito kaya kayanin mo.'

"A-Ayoko na r-rito..." wika ko sa gitna ng mga paghikbi.

Prisoners of BastilleWhere stories live. Discover now