Chapter 8

1K 22 3
                                    

"We'll surely enjoy"

---

Blairre's POV

"Don't make that face. I can always hire a cook so you don't have to worry about it anymore" ramdam ko yung pula ng pisngi ko dahil sa sinabi nito.

Narinig ko yung mahinang tawa ng dalawang taong kasama namin dito kaya mas lalo pa akong nahiya. This jerk! Kailangan pa talagang sabihin yun? Nakakahiya kaya! Ipinamukha niya pa talaga sa aking wala akong alam sa pagluluto.

"Hire your face" niinis kong bulong sa sarili ko. He doesn't have to state the obvious! Duh! So insensitive! Ginigigil niya ako.

"I heard that Blairre" pasimple ko siyang inirapan. Tinignan ko na lang si Aimi na nilalagay sa mga plato yung pasta. Bigla akong natakam ng makita ito. Gosh parang ang sarap sarap nun. No! I bet masarap talaga yun.

She placed the foods at the dining table at talagang gustong gusto ko ng kumain dahil nakakapang-akit ito. I wonder how delicious this food that was cooked by one of the world class chef. I'm really amazed how my childhood friend turned into a chef that anyone would do everything just to taste her dishes.

Nang nakaayos na ay sumubo agad ako ng maliit and all I can say is that she deserves her title. A simple dish but tastes heavenly. Nakangiti akong tumingin kay Aimi but she's looking at me nervously like she's a contestant for a cooking competition and I am the judge. I wonder why. Hindi ba siya confident sa mga dishes niya? She's a world class chef so she should be. I gave her a thumbs up and that's when she smiled widely as if she won the contest.

"You really should apply as our family chef Aimi. I will gladly hire you, no interview needed" sabi ni Adriane kay at saka sumubo ng pasta. Agad naman siyang binatukan ni Aimi kaya muntik na niya mailuwa ito. Natatawang inabutan ko siya ng tubig na agad naman niyang ininom. He looked at me ang mouthed thank you saka niya hinarap si Aimi na nakapameywang sa kanya ngayon.

"Para ano? Maalila mo ako at mautusang ipagluto ka whenever you want? A big no! Hindi ka pa ba masaya na pinagluluto kita kapag pumupunta ka dito?" mataray na tanong sa kanya niya dito. Adriane just smiled at her and continue eating.

"Ibabahay"

"What?" nagtatakang tanong ko kay Jhimro. He said something pero di ko masyadong narinig. Nilingon niya ako pero tumagos yung tingin niya sa akin. I looked at where he is looking and it's Adriane. Actually ay magkatitigan mga yung dalawa. Jhimro is smirking at Adriane while Adriane is throwing death glare at him. What's happening?

"I'm warning you Jhimro" Adriane said in a flat tone. What? What? Don't tell me mag-aaway sila? I'm clueless! Nagtitigan sila hanggang sa bigla na lang napatawa ng mahina si Jhimro. Oh my! Did he just laughed? Napatitig ako kay Jhimro, his eyes are dancing with amusement. Is this for real?

"What? Until now Adriane?" mapang-asar na sabi niya dito. Adriane looked pissed but it seems like he remembered something kaya bigla ay mapang-asar na din niyang tinignan si Jhimro. Napapagitnaan nila ako so I have no choice but to look left and right to see their reactions. I took a glimpse where Aimi is and there's amusement the way she's looking at the two habang ako naman ay nalilito pa rin.

"Come on J, we both know na ikaw din" mapang-asar na sabi nito kay Jhimro and then he looked at me saka ngumisi. Nakita ko ding tumingin sa akin si Jhimro pero hindi na siya nakangisi katulad kanina. He's back at his icy stare again. Gosh! Ano ba ngyayari? 

"You two! Blairre and I can't relate. What's happening?" tanong ni Aimi ng siguro ay hindi niya na natiis. Hindi ko din maintindihan ang ngyayari. Kanina lang ay si Jhimro ang parang nang-aasar kay Adriane pero ngayon ay parang nabaliktad na. Oh whatever bahala sila. Ipinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko at di ko na sila pinansin pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When They Meet Again (Revising...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon