Chapter 2

1.5K 30 1
                                    

"None of your business"

---

Blairre's POV

"Do you not know who I am?" napakurap-kurap ako sa tanong niya. Bumuntong hininga ako at saka bahagya siyang nginitian. Pinanatili ko din yung focus ng mata ko dahil nagsisimula ng uminit yung gilid nito. Nagsisimula na ding magblur yung paningin ko. Stay calm Blairre.

"Of course, I do. Who wouldn't know you? Kahit na nga ba madalang lang akong manood ng TV at magbasa ng mga magazines ay kilala kita. You are the infamous Jhi--"

"Blairre" putol niya sa sasabihin ko. Napatitig ako sa mata niya, matalim yung mga ipinupukol niyang tingin sa akin. At kahit na labis labis yung bilis ng tibok ng puso ko ay hindi ako nagbaba ng tingin at nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa kanya.

"DO YOU REALLY NOT KNOW WHO I AM?!"

Tuluyang lumandas yung luha ko sa pisngi ko ng dahil sa tanong niya.

"I know. I do know you, Jhimro"

Umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya. How could I forget him? Kahit kailan ay hindi ko siya makakalimutan. Malaki man yung pinagbago niya sa physical niyang anyo at alam ko maging sa ugali ay nagbago siya ay hindi yun sapat na dahilan para makalimutan ko siya.

"Then why are you acting as if you don't know me?" mahinang tanong niya sa akin. Napatakip ako ng bibig at napayuko na lang ako para pigilan yung pag hikbi ko.

"I'm sorry. I don't know how to face you. After ng nangyari. Nahihiya ako. Nahihiya ako dahil sa ginawa ko. I'm sorry Jhimro" inangat niya yung mukha ko at saka ako tinitigan ng mabuti.

"Don't be Blairre, we all knew that it's not your fault. Let's forget about that. Hmm?" napatitig ako sa kanya at saka marahan na umiling. I can't. I can't forget about our past. Mananatili ito sa memorya ko habang nabubuhay pa ako. Isa pa paano ko ito kakalimutan kung araw-araw, gabi-gabi ko iyong napapanaginipan? The past is haunting me.

"For now okay? For now" agad na sabi niya na parang nababasa kung ano yung nasa isip ko. He knows me. He really knows me.

"About the marriage-" dahan dahan siyang lumayo sa akin na nagpatigil sa pagsasalita ko at tinitigan ako ng walang emosyon. Oh please, hindi ko gusto yung naiisip ko. Please, sana mali. Sana mali.

"I'm not against on it. So if you're gonna ask me on what is my plan para matigil yung kasal na sinasabi nila Mommy. Wala Blairre, wala. And I'm sorry, we aren't on the same page" walang buhay na sabi niya at saka ako tinalikuran. Isang beses ko siyang tinawag para mas makausap pa pero dire-diretso lang yung lakad niya paalis ng hindi man lang ako nililingon. Oh God! What are you thinking Jhimro?!

Nanghihina akong napakapit sa digding na nasa likudan ko. Hindi, hindi ako pwedeng magpakasal sa kanya. Hindi pwede pero anong magagawa ko? I don't have a choice. What are you going to do now Blairre? Arghhh!!!

LUTANG akong naglakad pabalik sa office ko. Iniisip ko pa din yung mga nangyari kanina. Should I just go with the flow? Or gagawa ako ng paraan para di matuloy yung kasal? Kung sana ay nasa parehong pahina lamang kami ni Jhimro ay mas mapapadali ito, pero hindi e. He's okay with the idea of marrying me kahit na alam niyang may masasaktan. Why Jhimro? Napailing iling na lang ako dahil kahit anong isip ko ng paraan para hindi ito matuloy ay wala akong maisip kung hindi ang ipaintindi kay Jhimro na hindi pwede.

"Miss Blairre!" halos mapatalon ako sa gulat sa marahang tawag sa akin ni Cena. Napalinga-linga ako at nakita kong nasa loob na pala ako ng opisina ko. Haaay. Ganon na ba talaga ako kalutang para hindi mapansin yung paligid ko?

When They Meet Again (Revising...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon