Chapter 5

1.2K 27 4
                                    

"That look on your face was priceless Blairre"  

---

Blairre's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm ng phone ko. Haaay. Pakiramdam ko ay kulang na kulang pa ako sa tulog. Medyo late nadin kasi kami nakauwi kagabi kaya antok na antok pa din ako ngayon. But I have no choice at kailangan ko ng bumangon dahil may importanteng meeting pa ako ngayon. Agad akong dumiretso sa banyo para gawin yung morning rituals ko. At nang matapos ako ay lumabas na ako para sabayan na kumain sila Mommy at Daddy na for sure ay kumakain na sa dinning room ngayon.

"Good morning Princess!" rinig kong sabi ni Mommy pagkakita sa akin, as expected, nandito na nga sila agad. My Mom and Dad are both an early birds kaya kahit na mapuyat man sila ay hindi sila na-lelate ng gising. Agad akong lumapit sa kanila, Mommy is busy preparing our breakfast while Daddy is busy reading some papers na sa tingin ko ay tungkol sa kompanya dahil nakita ko yung logo nung company namin. Haaay, kung wala lang talaga akong pasok ay baka natutulog pa din ako hanggang ngayon.

"Good morning Mom, Dad" bati ko sa kanila at saka sila kiniss sa cheeks nila bago umupo at para sabayan sila sa pagkain. Agad na nawala yung antok ko nang makita ko ang favorite breakfast meal ko. Pancakessss! Mula talaga pagkabata ay mahilig na ako sa pancakes at Mommy's pancakes is the most delicious pancake in the world. Narinig ko pa yung mahinang tawa nila Mom at Dad at hindi ko na kailangan pang itanong kung bakit sila natawa. It's because of my reaction, I swear. What can I do? Pancakes are my favorite food kaya talagang hindi matatawaran nang kahit na anong bagay yung reaksiyon ko everytime na makakakita ako nito, specially if the pancake was made by my Mom.

Dati ko ng sinubukan na i-test kung kay Mommy nga talaga yung pinakamasarap na gawa ng pancakes. I ordered the best pancake all over the whole world. Kung saan saang bansa iyon at masasabi kong masarap nga ang kanilang pride when it comes to pancakes. Iba't ibang uri at iba't ibang paraan ng pagluto yung mga gawa nila and also the toppings of their pancakes are so mouth-watering na talagang nanaisin mong tangkilikin but.. but after tasting those pancakes na galing pa sa iba't ibang panig ng mundo ay iisa lang ang napatunayan ko sa sarili ko, still.. still Mommy's pancakes are the best. I don't know if I'm being bias but seriously my mother's pancakes are still the best for me. Iba yung feeling na kontento ako after kong kainin yung pancake na gawa ni Mommy. Iba yung busog ko kapag iyong gawa niya yung nauubos ko. Well, I guess it is because Mommy's pancakes are full of love. Yea, siguro yung tipong habang tinitimpla at niluluto niya iyon ay parang ako yung nasa isip niya, like that. Oh God, what am I saying? Ni wala nga akong alam sa pagluluto. 

Yea, you read it right? Lahat ng skills and talents na meron ang isang tao ay biniyayaan ako. Lahat as in lahat except for that one. Cooking. Simula pagkabata ko ay hindi talaga ako natutong magluto. Mom tried to teach me how pero everytime na susubukan ko ay sumasabog yung kalan na ginagamait namin. Yup, literal na sumasabog. Buti nga ay hindi ito nag-co-cause ng sunog e. Hindi ko din alam kung bakit yun pa yung hindi sa akin binigay, yung talent sa pagluluto. It's one of the most important thing na dapat ay alam ng isang babae. Pero ako! Wala talaga, hindi ako marunong maghiwa ng mga sangkap. At yung simpleng pagluluto lang ng itlog ay hindi ko alam. Even the basic dishes ay hindi ko alam lutuin. That's how useless I am in terms of cooking.

Naalala ko pa nga nun. When I was 17, kakagaling ko lang nun sa school at nasa England pa kami nun ay wala sila Mom and Dad, umuwi sila ng Pilipinas for some business reason kaya naiwan ako kasama yung mga maids namin nun. And siyempre gutom na ako nun dahil kakagaling ko nga lang sa school ay naabutan kong nagluluto ng kung ano yung family chef namin sa kusina. And then, pumanhik na ako nun sa taas sa kwarto ko para magbihis at nung matapos ay bumaba ako only to see our family chef nowhere. At dahil nga gutom na talaga ako ay nakialam ako sa niluluto niya. I was stirring it at ginaya ko yung ginagawa nung mga chef na nilalagyan ng wine yung niluluto nila, I search for the wine in the wine counter and so I did. Halos mapaiyak ako nun ng mapasabog ko na naman yung kalan ng hindi ko naman alam kung bakit ito sumabog. Tapos yung I think legs ng chicken na niluluto nung family chef namin turned black. Sising sisi talaga ako na nakialam pa ako dahil talagang mas naantala pa yung dapat na pagkain ko, to think na gutom na talaga ako nun. And that was the last time na nakialam pa ako sa kusina. That was the last time na humawak ako ng mga gamit sa kusina. I think na trauma na ako, who wouldn't diba? Kaya until now, never na talaga akong pumuntang kusina. Hanggang dining area lang ako.

When They Meet Again (Revising...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon