Chapter 6

1K 25 6
                                    

"It's good to know"

---

Blairre's POV

"Where are we going?" I asked him again for God knows how many times. May kalahating oras na yata siyang nagdadrive at hanggang ngayon ay clueless pa rin ako kung saan kami pupunta.

"Keep quiet" and for the nth time, he replied the same answer. I pouted my lips at tumingin na lamang sa daan dahil wala naman siyang matinong isinasagot sa tanong ko. Agad akong napatingin ulit kay Jhimro ng may marealize ako sa sarili ko.

"You're still thinking" sabi ko. Alam ko na sa mga sandaling ito ay nag-iisip pa din siya kung saan nga ba kami maaaring pumunta. This is so familiar. This happened before kaya sigurado ako. Kaya kanina pa siya walang matinong sagot sa tanong ko ay maging siya hindi niya alam.

"Tama ako, right? Why don't we just go home? I have work and I know you're also a busy person so might as well take my advice and be productive today" nakataas kilay kong sabi sa kanya. We don't have  any plans on where we're going so it's better to go to work.

"Where do you want to go?" agad ko siyang nginitian ng lumingon siya sa akin pagkatapos niya akong tanungin.

"Of course.. in my office" nakangiti ko pa ding sabi sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay saka nag-tsk at hindi ako pinansin. Aba! Aba! He asked me and I just answered him with all my honesty. What's wrong with that?

"Seriously Blairre, where do you want to go?" napasimangot na lang ako ng dahil sa inulit niyang tanong.

"I told you, in my office" napakunot noo na lang siya na halatang naiinis na. Inihinto niya yung sasakyan sa tabi saka ako tinitigan ng mariin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Wala naman kasi akong gustong puntahan pa kung hindi yung office ko e. Madami akong trabaho na kailangan gawin ngayong araw na hindi ko pa nasisimulan dahil nga dito sa unplanned date na to.

"Anywhere except your office. You are not going to work today and that's final so think where you want to go or you want me to decide where we're going?" inirapan ko siya at agad na nag-isip kung saan dahil alam kong hindi talaga siya papayag sa gusto ko. Agad naman akong napangiti at tinignan siya ng may maisip ako.

"Anywhere?" tanong ko sa kanya at bahagya naman siyang tumango at saka ako tinaasan ng kilay. Why he's so sexy raising his eyebrow. I mentally cussed myself because of that thought.

"I'm craving for mooncakes right now Jhimro. And oh, I want mooncakes from Japan" nang-iinis kong sabi sa kanya. Napabuntong hininga siya saka agad na kinuha yung cellphone at may dinial. A winning smile plaster on my face and I immediately praise myself because I won. Alam kong sa sandaling ito ay tinatawagan niya na sila Mommy at sasabihin na hindi na tuloy yung unplanned date namin. Oh my god! I'm so brilliant! I'm so proud of mysel-

"Cancel my appointments for 3 days and ready my private plane in 15 minutes. In Japan. And kindly book-You have a house there? And a car too? Okay, thank you. Give me the address. With Blairre. Thank you Cous. Take care too" malakas akong napasinghap at gulat na gulat akong napatulala sa kanya dahil sa sinabi niya. Oh my god! He can't be serious! Alam kong alam niya na nakatunganga na ako sa kanya pero hindi niya pa din ako pinapansin at may dinial ulit na number.

"Hello Tita Lorraine? Can I borrow Blairre for 3 days?" Shit! WHAT? No  no no no Mom! Say no! Goodness! It's not what I expected to be the outcome. Shit! Shit! Shit! "We're going in Japan. She's craving for mooncakes of Japan Tita. Yes. Of course Tita. I will. Thank you" nanghihina akong napasandal sa upuan ng maibaba niya yung phone at saka ako blangkong tinignan. We're really going to Japan.

When They Meet Again (Revising...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon