Chapter 7

1K 24 15
                                    

"Don't make that face. I can always hire a cook so you don't have to worry about it anymore"

---

Blairre's POV

Sumasakit na yung ulo ko sa kakaisip kung ano yung ibig sabihin ni Jhimro kanina nung sinabing niyang it's good to know. Wala naman kasi akong maisip na dahilan kung bakit niya nasabi yun at saka ano bang nalaman niya? Haynako. Isang malaking sakit sa ulo talaga yang si Jhimro.

By the way, we are here in one of the branches ng Yu's, mall nila Jhimro. Nakasuot parin yung cap at shades sa akin, ganun din si Jhimro na nakasuot ng cap at shades for disguise. Kakatapos lang naming pumili ng mga kailangan namin para sa duration ng stay namin dito sa Japan. Yep, pumili. Nagturo lang ng nagturo si Jhimro na siya namang kinukuha nung supervisor ng mall para ilagay sa cart na dala niya. Tsk. Perks of being the owner. Matapos yun ay pinadeliver na lang niya yung mga napili namin sa bahay ni Ate Cess kung saan kami nag-i-stay.

"Where do you want to eat?" buti na lang at naalala niya pang kumain. Sa totoo lang ay kanina pa talaga ako nagugutom. Hindi man lang ako nabusog sa pagkain na sinerve dun sa eroplano niya.

"I want some pasta" wala sa sariling nasabi ko. It just suddenly came on my mind. Napaisip saglit si Jhimro saka tumango.

"Italian Restaurant then" sabi niya at tango lang yung sinagot ko saka pumasok na kami sa isang Italian Restaurant.

Gusto kong tusukin ng daliri ko itong pabebeng babae na nag-a-assist sa amin. Pabeautiful beautiful eyes pa, mukha namang clown sa kapal ng make-up na nakalagay sa mukha niya. Tsk. Why most of girls do super duper heavy make up? Like hello! Can't they see na nagmumukha ng coloring book yung pagmumukha nila! Like that clown na nag-assist sa amin. For godsake, we are at the mall.

"Restroom" sabi ko kay Jhimro bago pa man kami makaupo doon sa table namin. Tipid naman niya akong tinanguan at saka umupo then tinignan naman yung menu na binigay nung clown na nag-assist sa amin. Tsk! Akala mo naman ikinaganda niya yun.

Dumiretso na ako sa restroom at saka nagretouch. I am applying my lipstick when someone comes in. Hindi ko sana papansin ng makita ko yung pamilyar niyang mukha. Napatigil ako sa paglalagay ng lipstick at napatitig sa kanya. At kagaya ko ay tila napako din siya sa kinatatayuan niya. Parehas lang kaming nakatitig sa isa't isa. Hindi ako makapaniwala na nakatayo siya ngayon dito sa harapan ko at pakiramdam ko ay ganun din siya. Walang nagsasalita sa amin hanggang basagin niya yung katahimikan.

"B-Blairre"

"Aimi" I felt hot liquid on my cheeks at doon ko lang namalayan na umiiyak ako. Maging ang babaeng kaharap ko ngayon ay nang-gi-gilid na din yung luha.

"Blairre" naiiyak niya ulit na sabi. Aimi gosh! Nasa harapan ko ngayon yung isa pa sa mga kaibigan ko at para akong tanga na walang ginawa kundi umiyak. Maging noong si Jhimro ang lumitaw sa harapan ko ay wala akong ginawa kundi and umiyak.

"BLAIRRE" sabi niya ulit at saka umiiyak akong niyakap. Mas lalo akong napaiyak dahil sa higpit ng kapit niya na as if I would vanish any minute. I feel the longing when she hug me. The Aimi Furukawa that I knew only cry when she can't take the pain anymore, but this Aimi that currently hugging me is far from the Aimi that I knew.

"Miss na miss na kita! Miss na miss ko na sila! Sobrang miss ko na kayo Blairre. It's been 8 years and I can't imagined how I survived for the past years without you, without them" she broke down and so as me. We cry like there's no tomorrow while hugging each other. Ako din naman e, sobrang miss ko na yung grupo. Sobra sobra.

When They Meet Again (Revising...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon