Chapter 4

1.2K 27 4
                                    

"We'll see you all again at the church in 3 months. Enjoy the party"  

---

Blairre's POV

I know that marriage is sacred and it should be done by two people who is inlove with each other. Yea, i know it. But I had already decided to marry Jhimro kahit na hindi naman namin mahal ang isa't isa. Kahit na alam kong may masasaktan ay buo na ang desisyon ko. I have my reasons and that reason is to give my parents their happiness. Alam ko na magiging masaya sila sa magaganap na kasal sa aming dalawa ni Jhimro.  Mahal ko ang magulang ko at iyong pagmamahal ko sa kanila ang rason ko para magpakasal kay Jhimro sa kabila ng madaming rason kung bakit hindi ko siya pwedeng pakasalan.

"Princess, are you done?" narinig kong tanong ni Mommy sa akin. Tinignan ko siya na nakasilip mula sa labas ng pinto. Nginitian ko siya at saka sumagot.

"Almost Mommy" sagot ko pabalik dito. Inayos ko pa-bun yung buhok ko at saka naglagay ng light make-up. Ngayon na yung sinasabi nila Mommy na dinner with Yu's daw. Hindi ko nga alam sa kanila kung bakit kailangan pang sa labas daw mag dinner kahit naman na nagdinner na kami dito sa bahay kahapon. What's the difference diba? Sa tingin ko naman ay nagkausap-usap naman na sila kahapon ng mga dapat nilang pag-usapan.

Agad akong lumabas ng makatapos na ako sa pag-aayos. Suot ko yung dress na kinuha namin kahapon ni Cena sa Fiona's. It is blue long sleeve, backless knee length dress. And that reminds me of Jhimro's coldness. Kinakabahan nga akong harapin siya dahil kahapong matapos kong ipahiwatig sa kanya na payag na akong pakasalan siya ay bigla na lang dumating sila Mommy at sinabing uuwi na daw sila dahil lumalalim na daw ang gabi. Kaya ayun at hindi ko man lang narinig yung maaaring sabihin niya matapos kong sabihin iyon.

Naabutan ko sila Mommy at Daddy sa baba ng hagdan habang inaayos ni Mommy yung neck tie ni Daddy. Pareho pa silang matamis na nakangiti sa isa't isa habang nagtititigan. Napakaganda ni Mommy sa suot niyang dark green na fitted long gown at gwapong gwapo naman si Daddy na naka black na tuxedo na pinartner ng long sleeve at saka dark green na tie na nakapartner sa kulay ng gown ni Mommy. Nakangiti na lang akong napapailing dahil sa ka-sweet-an ng mga magulang ko. Tumikhim ako ng makalapit sa kanila at pareho pa silang halos mapatalon sa gulat dahil sa hindi inaasahang presensya ko na nakaistorbo sa kanila.

"I'm ready Mom, Dad" nakangisi kong sabi sa kanila. Napatawa na lang sila dahil sa inasal ko. Palagi ko kasi silang iniistorbo kapag naabutan ko sila na sweet sa isa't isa. Hindi naman nila minamasa yung pang-iistorbo ko na ipinagpapasalamat ko at pinagtatawanan na lang ako. They both love me anyway kaya wala silang magagawa. 

"You are really like a real Princess" masayang sabi ni mommy at saka marahan na pinasadahan ng haplos yung buhok ko. Napangiti naman ako dahil sa papuri niya.

"And you are like a real Queen Mom" nakangising ganting papuri ko sa kanya. Halos lahat ng features ko ay sa kanya ko nakuha. Kung hindi nga kami kilalang mga personalidad sa mundong ito ay baka madalas na kaming pinagkamalan na magkapatid dahil sa di nalalayong hitsura namin. It's like my Mom is my twin sister. And diba sabi ko she's really strict when it comes to business? Yes, if it's business. Pero kapag hindi business yung pinag-uusapan at kapag nasa labas kami ng kompanya ay sobrang sweet niya. Daig ko pa baby sa sobrang pag-aasikasong ginagawa niya sa akin.

Sabay kaming napatingin ni Mommy kay Daddy nang mag-fake cough ito. At sabay na lang kaming napatawa nang mabasa namin ang inggit sa expression nato.

"And of course, like a real King, handsome as ever Dad" nakangiti kong sabi at napatawa na lang ulit kami. God! I am so blessed to have them as my parents. 

NAGULAT ako nang makarating kami sa venue ay puno ito ng reporters na tila may inaabangan at tila may mangyayaring mahalagang okasyon. Nagtataka kong tinignan sila Mommy at Daddy na parehong iniiwas sa akin ang kanilang mga tingin kaya mas lalo ko pa itong ipinagtaka.

When They Meet Again (Revising...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon