Tinapos muna niya ang lahat ng pipirmahan para maideliver na sa
susunod na araw ang mga sasakyan. Ipinaubaya na kasi sa kanya ng papa niya ang pamamahala ng negosyo nila pag kagraduate niya.

Madilim na ng makalabas siya ng AnCars. Wala na rin masiyadong empleyado. Mabilis siyang sumakay sa kanyang Lamborghini para makaalis na.

Pinaharurot niya iyon papunta sa club na sinasabi ng kaibigan..

“Mysterious Club..”

Agad siyang pumasok sa loob para hanapin ang mga kaibigan. Pero hindi niya makita ang mga ito. Halos nalibot niya na ang buong club ay walang ni isa sa kaibigan.

“Fuck!..”

Tinawagan niya ang mga kaibigan pero walang sumagot sa mga gago. Inopen niya rin ang messenger niya kung may chat ang mga baliw sa gc nila.

“Fuck!..Fuck!.. they change the location without telling me..” Mga gago talaga ang kaibigan niya.

Dahil sa inis nag chat siya sa gc nila. Cup slocks para dama ng mga hinayupak…

“FUCK YOU ALL. YOU DID NOT TELL ME THAT YOU CHANGE THE FUCKING LOCATION!..I’M HERE IN THIS FUCKING MYSTERIUOS FUCKING CLUB!..”

Nag intay siya ng ilang segundo kung may makakabasa at magrereply sa kanya.

Seen by PinakaHoT(Velasquez)
Mas lalo siyang napamura ng mabasa ang reply nito. Mapapatay kita Crame!.

“Alex said you can't come because you have LBM.”

Naiinis na ipinasok niya ang cellphone. Lilisanin na sana niya ang club na iyon ng natigilan siya dahil sa hiyawan ng mga lalaki. 

“Please welcome, the star of the night...”

Napabaling ang tingin niya sa harap ng mas lalong lumakas ang hiyawan.

Nagtayuan pa ang ibang lalaki habang may mga alak na hawak.

“Mistika!..”

Napakunot ang noo niya ng makilala ang babae. Ito ang babaeng sumaksak sa kanya. Ang babae dahilan kung bakit ilang araw siyang walang tulog pagkatapos niyang matikman ang mga labi nito.

Sumasabay ang katawan nito sa bastos na musika. Nakikita niyang tuwang-tuwa ang mga lalaki sa pinapanuod. Tanging maliliit na saplot lamang ang suot nito. Gaya ng dati niya itong nakita pero sa ibang club iyon.

Kaya pala wala na ito sa Club ng kaibigan niya dahil nandito na ang babae. Ngumingiti ito habang sumasayaw pero nakikita niya ang pandidiri sa mga mata nito.

Nakangiti ang babae pero alam niyang madami itong inatagong emosyon. Magaling magtago ang babae ng nararamdaman.

Kaya nitong piki-in ang ngiti sa harap ng maraming tao. Nagpapanggap na ayos lang kahit ang totoo ay hinde.

“Igiling mo pa Mistika!..”Matalim niyang tinignan ang lalaking sumigaw n’un.

Pasuplado niyang ibinalik ang mata sa babae. Nakita niyang nagawi ang tingin nito sa kanya kaya nawala bigla ang mga ngiti nito sa labi.

“Tanggalin mo na kasi yang suot mo!..wag kana mag inarte!..”

Nag tagis ang bagang niya sa narinig.

“Tatanggalin ko rin ang mga ngipin mo mamaya!.”

Madilim ang mukhang tinignan niya ang babae. Nakitaan niya ito ng takot pero agad ding nawala ng hagisan ito ng pera. Tapos na itong sumayaw pero nananatiling nakatayo sa taas ng stage.

Nakatitig sa kanya habang pinupulot  ang mga perang ibinabato ng tao.

Tinignan niya ito ng may disgusto. Namumuo ang matinding galit sa kung ano. Hindi niya maipaliwag sa sarili kung bakit siya nakakaramdam ng galit.

Hanggang sa matapos ito ay hindi niya nilubayan ng tingin ang dalaga. Nakita niyang may matandang babae ang agad na sumalubong sa dalaga para kunin ang pera.

Naikuyom niya ang mga kamay habang tinitignan ang matandang babae. Ni hindi nito inalala si Ferlyn. Agad siyang lumabas ng club na iyon ng makitang sa backdoor dumaan ang babae.

Alam niya ang totoong pangalan nito dahil tanging iyon lang ang nalaman ng private investigator nila. Parang madaming itinatago ang babae na kahit ang impormasyon tungkol dito ay wala siyang makalap.

Mabilis itong naglalakad palayo sa club. Balot na balot ito parang natatakot na ilabas ang kahit kaunting balat. Hindi pa ito nakakalayo ng tuluyan mula sa kinatatayuan niya.

Mabilis niya itong hinabol at tinawag.

“Ferlyn!..”

Lumingon ito sa kinaruruunan niya. Natatakpan ng mahaba nitong buhok  ang kanyang magandang mukha. Parang takot na takot itong ipakita sa iba ang taglay na ganda.

Nag lakad siya palapit sa babae na ngayon ay nakatulala lamang sa kawalan. Iniisip siguro nito kung pano niya nalaman ang totoo nitong pangalan.

Nang makalapit siya sa babae ay mas lalo niyang nakita ang taglay nitong kagandahan. Maamong mukha at ang mapupula nitong labi na masarap halikan ulit.

“Ferlyn Mie Cervantes!..”aniya bago tinignan ang reaksyon nito.

May nakita siyang takot sa mata nito pero agad din iyon napalitan ng piking ngiti.  Nainis siya klase ng ngiti nito na ibinigay sa kanya. Para kasing nakakaramdam siya ng kirot sa dibdib pagnakikita iyon.

“Nagkakamali po kayo sir. Hindi Ferlyn ang pangalan ko. Ako po si Mistika.”magalang nitong sagot bago tumalikod sa kanya.

“Bakit ka lumingon?..Bakit ka natigilan at napatulala?..” habol niyang tanong pero nakalayo na ng tuluyan ang babae.

Her Secret beyond Her Beautiful SmileDonde viven las historias. Descúbrelo ahora