" Rap " nakangiting sabi ni Nate sa kanya habang kagat kagat ang hita ng pritong manok. Basta fried chicken talaga ang ulam, bibo si Nathan.

" Masarap nga ang luto ng Mama mo Nate." naubo ako ng magsalita si Mister Rosales. Tingin niya ba talaga sa akin, Nanay ni Nate? Mukha na ba akong may anak?

Mabilis itong tumayo at kumuha ng isang baso ng tubig saka binigay sakin. Nagtayuan ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.

" Are you okay?" nakasalubong ang kilay na tanong niya, habang panay padin ang tapik sa likod ko.

" A - ayos lang ako, bumalik kana sa pagkain." agad naman itong sumunod.

Napansin ko na nagdagdag pa ulit ito ng kanin at adobo. Nasarapan kaya siya sa luto ko o sadyang gutom lang ito?

Ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin, nagpresenta naman itong ayusin ang mga pinamiling grocery sa kabinet. Inooserbahan ko ito at tila ba sanay ito na gawin ang mga iyon. Wala sa itsura nito na may alam sa gawaing bahay. Halata kasi sa tindig at bihis nito na lumaki ito sa karangyaan. Makinis ang balat nito na tila ba kahit isang lamok ay hindi nakakagat. Mahaba din ang pilikmata nito, matangos ang ilong at natural na mapula ang labi. In short, gwapo, makisig kaya lang mayaman. Ayoko sa mga mayayaman.

" Naayos na nga pala ng assistant ko, ang libing ng Tiyuhin mo. Susunduin ko nalang kayo ni Nate bukas para sa libing. Nag request din ako ng ilang Pulis na sasama sa atin, hindi pa nahuhuli ang pumatay kay Mr. Gomez at baka nasa paligid lang ito. " nagulat ako ng magsalita ito.

" Salamat, ayos lang naman kung hindi mo na kami sasamahan. Hindi mo kami kargo, kapag nakahanap na ako ng malilipatan namin ni Nate, aalis na kami agad dito." narinig kong bumuntunghininga ito.

" Look Claire, hindi n'yo naman kailangang umalis dito, sabi ko nga sayo, hindi ko naman ginagamit itong condo, mas ligtas kayo ng anak mo dito, safe ang lugar na ito dahil mahigpit ang security. Nakapangako ako sa Tito mo at sa Pamilya namin, we honor our words lalo na ang pangakong binitawan." bahagyang nagsalubong ang kilay nito.

" Pero babayaran ko parin ang pagtira at mga ginastos mo sa'min. " wala ng libre sa panahong ito.

" Ikaw ang bahala, pero hindi kita inoobligang bayaran ako. I'll go ahead, ito nga pala ang number ko." may inilapag itong maliit na card sa table. Ginulo nito ang buhok ni Nathan bago lumabas. Nainis yata..

" Ba bye " sabay kaway ni Nate dito.

" Ano bang masama sa sinabi ko Nate? Ayokong magkautang sa kanya, baka mamya bigla niya tayong singilin, anong ibabayad natin? Buti kong tumatanggap siya ng bata?" sinimangutan ako ni Nate na siyang ikinatawa ko. Nagpunas ako ng kamay saka pinisil ang ilong niya.

" Joke lang bunso. Alam mo namang love na love ka ni Ate. Baliw yong lalaking yon. Pagkamalan ba naman kitang anak." nagpunta kami ni Nate sa sala at nanood ng TV. Pero bakit ganon?, nakakadisappoint na akala niya may anak na ako.

Kinabukasan ay sinundo nga niya kami ni Nate at sinamahan sa sementeryo. Nagulat ako dahil sa tabi ni Tatay mismo ililibing si Tiyo. Paano kaya niya nalaman? May ilang kapitbahay din kaming nakiramay. Ang luhang pinipilit kong pigilin ay kusang tumulo ng ibaba na sa hukay si Tiyo. Wala na ang taong kahit papaano ay naasahan ko. Kami nalang talaga ngayon ni Nate. Napatingin ako sakin ang katabi ko ng abutan ako ni Mister Rosales ng panyo.

" Salamat.." tahimik itong tumango.

Pagkatapos ng libing ay may mga nag abot ng meryenda sa nakiramay. Maging iyon kaya ay inayos niya din? Gusto ko sanang magprotesta pero wala akong lakas sa ngayon, hinayaan ko nalang.

" Ang swerte mo naman Claire, boyfriend mo ba yan? Gwapo na mukhang mayaman pa." sabi ni Milet, isa sa chismosang kapit bahay namin. Bakit nandito ang isang ito? Hindi naman kami close..

" Boss yan ni Tiyo, kakasabi mo lang na mayaman, diba?, paano ko magiging boyfriend yan?" napansin ko na dalawang supot ang bitbit niya, iyon ang nakabalot na meryenda na dapat ay tag isa lang kada tao. May mga tao talagang nagagawa paring manamantala kahit namatayan ka.

" Mukha namang mabait sayo, jowain mo na, ayaw mo non, may gwapo ka ng Papa, yayaman ka pa." inis na tinalikuran ko si Milet. Palibasa yon lang ang pangarap nila sa buhay, makapag asawa ng mayaman. Ayaw magbanat ng buto.

" Here, kumain ka na muna." sabay abot sakin ni Mister Rosales ng meryenda.

" Hindi ako gutom.." inis na baling ko sa kanya.

" Okay.." bigla akong nakonsensiya sa inasal ko. Ito ang napagbuntunan ko ng inis ko kay Milet. Nakita kong pinapakain nito si Nate, na hindi ko napansin na wala na pala sa katabi kong upuan.

Pagkatapos matakpan ng hukay ay nagyaya narin akong umuwi. Kalong niya si Nate na nakatulog na.

" Maraming salamat sa pagasikaso ng libing ni Tiyo." basag ko sa katahimikan habang naglalakad kami pabalik ng sasakyan, muli kasi kanina hindi na ulit ako nito kinausap.

" Walang ano man. Gusto mo bang kunin ang iba n'yong gamit sa bahay ng Tiyuhin mo?" nasabi kanina ni Aling Ising, kapit bahay namin, na nagpasabi iyong napagsanlaan ni Tiyo ng bahay na kunin na namin ang iba naming gamit doon dahil may iba ng titira.

" Kung ayos lang, alam kong malaking abala na kami sayo." umiling lang ito. Marahan nitong inilagay si Nate sa Car seat na naroon na sa sasakyan niya kaninang sinundo niya kami. Baka nga may anak na ito.

Mabilis kong inayos ang mga gamit namin ni Nate. Pati narin ang mga ilang pictures na tanging alaala namin kay Tatay pati narin kay Tiyo. May isang larawan doon ng isang taong hindi ko nais makita pa. Ang patunay  na may taong mas pinapahalagan ang pera kaysa sa Pamilya. Ang taong dahilan kung bakit galit ako mayayaman. Isinisiksik ko ang larawan niya sa pinakalikod ng lumang album saka tinapos ang pagaayos saka lumabas.

Nabalot ako ng lungkot at pagaalala pagbalik namin ng condo ni Mister Rosales. Paubos na ulit ang gamot ni Nate at kakaunti nalang ang naitabi kong pera, hindi na yon sasapat para makabili ulit. Paano ako magtatrabaho? Saan ko siya iiwan?

" Claire, ayos ka lang ba? Naipasok ko na si Nate sa kwarto n'yo, napagod yata siya kaya tulog parin hanggang ngayon. May problema ba?"  halata narin ang pagod sa mukha ng Mamang ito.

" Kailangan ko ng trabaho.." wala sa sariling sabi ko.

" Yon lang ba? Magready ka ng resume mo. Nakapagtapos ka ng vocational course diba? Pwede ka sa Resort namin. Aalis na ako." tulalang sinundan ko siya ng tingin..

Hindi parin ako makapaniwalang ganon nito kabilis sulosyunan ang problema ko. Lagi ba siyang may sagot sa lahat? Malapit ko ng isipin na isa siyang anghel kung hindi lang sana siya mayaman.

Itutuloy...

Hi guys, sorry kung ngayon lang ako nagpakita. Babalik na ulit ako sa pagsusulat. Sana sapian ako ng kasipagan hehe.. Salamat sa mga nagtatyagang maghintay. ❤💕

Skycharm24







His HEARTWhere stories live. Discover now