Kabanata 40

28.6K 809 66
                                    

Kabanata 40

Nakasimangot na lumabas ako ng bahay. Nakasunod sa likuran ko si mommy at daddy na kanina pa ako kinakausap.

"He said he's busy, right?" Mom held my hand. A small smile crossed her lips. "Gusto mong ihatid ka nalang namin?"

Akmang sasagot na ako nang may humintong itim na sasakyan sa aking harapan. Umibis mula roon si Jigs, nakangiti pa ng bumati sa amin.

Inirapan ko siya. "Asan ang magaling mong boss?"

Napakamot siya sa kaniyang batok. "Busy po siya, Ma'am Miranda."

Busy? I don't think so. Baka nambabae kagabi kaya napuyat ngayon.

He opened the car door. Atubili man ay wala akong nagawa kundi magpaalam na sa aking mga magulang at kay Ines na nakangiting nakatanaw sa gate.

I already talked to Ines. Umiyak pa nga ako sa buong durasyon ng pag-uusap namin. I was sorry. Sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ko sa kaniya. I didn't treat her with utmost respect my whole teenage years. I thought she's fake. Nagkamali ako ng pagkakilala sa kaniya. But I'm grateful too. Dahil hindi niya ako binigo kung kailan kailangan ko ng isang magulang. Ng isang ina.

Pabagsak na isinara ko ang pintuan ng sasakyan.

I so hate Brandon. Susunduin daw niya ako ngayon. Eh anong nangyari? Paasa talaga. Nakakainis!

"Seatbelt niyo po, Ma'am."

I glared at Jigs. "Huwag mo akong pakialaman."

Napangiwi ang lalaki.

"Safety first po kasi dapat, Ma'am. Ayokong mapagalitan na naman ni boss."

So? Ngali-ngali kong sabihin.

Isinuot ko ang seatbelt. I was quiet the whole ride. Tinatamad akong magbuka ng labi dahil baka ano pa ang masabi ko kay Jigs. I'm in a bad mood. And the best way to do is to just shut up.

Agad akong bumaba nang iparada na niya ang sasakyan sa harap ng mansyon ng mga Tsiu.

"Hi Miranda!" Anang Brie at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. "How's your night without my d*ck of a brother?"

I pouted. Umiling ako at hinayaan ang sariling magpatangay sa kaniya patungo sa ikalawang palapag ng bahay. We stopped in front of Brandon's room. She smiled at me. Almost teary-eyed even.

"I'm so happy for the both of you, Miranda."

What's happening? Hindi ko siya maintindihan.

Is there something wrong?

"Be patient towards him, okay? I know you already tamed the monster in him, Miranda. And I'm so thankful because of that. Just- just love him. Understand him. Dahil alam kong ikaw na talaga ang babaeng para sa kaniya."

I blinked as I tried to stop myself from shedding a tear.

"Thank you!" I murmured back. "Thank you because you loved him like your own brother. You treated him good despite the attitude he has. You've been patient too, Brie. Salamat. Salamat talaga."

She slightly pushed the door open. A big smile crossed her lips.

"Pumasok kana, Miranda."

I nodded. Dahan-dahan akong pumasok para lamang mabigla sa aking nabungaran.

I don't know what to say. Shocked is an understatement.

I'm In love with a MonsterWhere stories live. Discover now