Kabanata 23

24.8K 765 31
                                    

Kabanata 23

I was in the hospital for more than a week. Mas maaga sana akong nakalabas kung pumayag agad ang mga magulang ko. I'm not that badly hurt. I just had some minor bruises. May cut ako sa bandang labi at may bali ang aking kaliwang paa. May mga pasa din ako dulot ng paghampas ng katawan ko sa semento. And that kalbo punched me in the stomach. It hurts.

"Don't try to escape again, Miranda." Mom warned me. "Baka sa sunod na pagtakas mo ay hindi ka na namin madatnan ng buhay ng daddy mo."

"Mom, I-"

She glared at me. Napauklo ako at tiningnan nalang ang mga kuko ko sa paa. I need a new nail polish. Nasira iyon nung gabi ng insidente.

"Just listen to your mommy, baby girl." Dad butted in. He still has that worried look on his face. "We won't forgive your former professor for doing that to you. Mabubulok siya sa kulungan."

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang sinabi ni daddy.

"Nahuli na po ba siya, daddy?"

"No. Hindi pa siya nahahanap ng mga pulis, Miranda. It has been more than a week. I'm worried that he might escape."

My brows knotted after hearing what he said. He's still not captured? How? I remember Brandon's men brought him that night. May alam ba siya kung nasaan ang lalaking iyon?

"Don't worry, baby girl. Dadagdagan namin ang bantay mo." Dad said. "Just don't do something stupid again, okay?"

Aminado akong katangahan ang ginawa ko. Nagsisisi na ako. If not for Brandon, baka nasa ilalim na ako ng hukay ngayon.

"We'll talk again when we're home, Miranda." Mom with a serious expression on her face.

I just nodded.

Hindi naging madali ang paglabas ko ng ospital. Nakaabang na kasi ang mga reporters sa labasan. Humihigpit ang kapit ko sa aking daddy habang samut-saring tanong ang ibinabato nila sa akin at sa aking pamilya. Mom can't help but lashed at the annoying reporters. Kung hindi lang siguro nakakahiya ay baka nanabunot na siya.

"Damn it! Reporters can be annoying sometimes." Mom exclaimed when we're already seated in our car. She still keep on glaring at the bunch of reporters. Good thing the car is heavily tinted. 

"Calm down, Jasmine." Dad said.

Mom scoffed before giving me a not so friendly stare. More like far from a mother and daughter stare.

"It's your fault, Miranda."

Napakagat-labi ako. "I'm sorry, mom." I really am. Hindi ko naman ginustong mangyari iyon. I'm just so stubborn to not follow what they're telling me. Nasanay narin kasi akong palagi silang walang pakialam sa akin. Especially mom. I don't really feel that I'm her daughter.

Tahimik ang naging biyahe maliban sa panaka-nakang pagpapalitan ng salita ng aking mga magulang. I didn't even try to butt in. Hindi naman nila ako sinasali sa usapan.

"Ines!" Mom shouted the moment we stepped inside our mansion. Humahangos namang dumating ang mayordoma kasunod ang ilang mga katulong. They all looked pale in front of us. Mom has that effect. Sa kaniya nga rin ako nagmana sa bagay na iyan. Kilay palang niya ay matatakot kana. Palagi kasing nakataas. And her face has rough features. Bagay nga siyang maging kontrabida sa isang pelikula.

"Bakit po, madam?"

Itinuro ni mommy ang mga paperbags na hawak-hawak ng ilang guwardiya. "Bring that in our room."

I'm In love with a MonsterWhere stories live. Discover now