Kabanata 1

51.4K 840 25
                                    

Kabanata 1

Kanina pa ako nakadungaw mula sa gate ng aming bahay. Hinihintay ko ang pagdating ng misteryosong lalaki. Naririnig ko na ang pagpatak ng bawat minuto sa aking utak ngunit hindi parin siya dumadating.

Napatingin ako sa malaking bahay sa harapan ko. Isang mag-asawang negosyante ang nagmamay-ari ng bahay na yan noon. Napag-alaman kong nag abroad ang dalawa at nagulat nalang ako isang araw na may isang lalaki na dumating lulan ng isang magarang sasakyan. Gabi noon at kakauwi ko lang galing sa lakwatsa. Hindi ko nakita ang hitsura niya ngunit isa itong malaki at matangkad na lalaki.

"Hays! Ang tagal naman." Napakamot ako sa sariling pisngi dahil sa sobrang pagkainip.

Anong oras na kaya? Binuksan ko ang dalang bag at dinungaw ang oras mula sa aking cellphone nang makarinig ako ng tunog ng paparating na sasakyan.

"Shit!" Tarantang pinatay ko ang cellphone at inayos ang hawak-hawak na bag. Dumikit ako lalo sa gate para hindi mapansin ng lalaki.

Napasinghap ako ngunit agad ding tinakpan ang bibig nang magawi ang tingin ng lalaki sa direksyon ko. His face was illuminated by the light coming from the lamp posts. It was dark and mysterious.

Oh no! He looks handsome. Hindi lang ako sigurado dahil medyo nakatagilid ang pwesto niya.

"Who's there?" His baritone voice filled my ears.

Kagat-kagat ang pang-ibabang labi, dahan-dahan akong napaupo para matakpan ng gate at ilang halaman. I should thank my black dress and my small frame. I look invisible. Bigla akong nanigas nang makarinig ng papalapit na mga yabag. My heart beats so loud. Gusto kong kutusan ang sarili sa katangahang ginawa. Napangiwi ako nang makaramdam ng pangangati sa aking katawan. Tinitigan ko ng masakit ang mga halaman. Ipatatanggal ko talaga ang mga iyon bukas.

Dumungaw ako at hindi na napigilang mapasigaw nang magtama ang mga mata naming dalawa. Nakatalungko siya at madilim ang mukha na nakatitig sa akin.

"Oh fuck! You scared the hell out of me!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Napahawak ako sa sariling dibdib. Kinabahan ako dun ah!

"What are you doing, little girl?"

Little girl?

Naningkit ang mga mata ko. Tumayo ako at inilayad ang dibdib. Hah! I have boobs, asshole! I've got curves in the right places. I just lack height, I know,  but it doesn't matter.

"I'm asking you, little girl. What are you doing here in the dark?"

Sinuyod niya ng tingin ang aking buong katawan. Uminit ang pisngi ko. His eyes remained dark and cold.

"Ah-I'm playing!"

Shit! Playing? Are you a freaking idiot, Mandy?

His brows creased. Lalong naging suplado ang bukas ng kaniyang mukha. Napaayos naman ako mula sa aking pagkakatayo.

"At this hour?"

Napangiwi ako. It's such a lame excuse.

"Go home and sleep,little girl. Sayang at baka lumaki kapa."

Kahit nung nakaalis na siya ay nanatili parin akong nakatunganga doon. Is he serious? He's so rude. Nagsisi tuloy akong hinintay pa ang pagdating nito.

Padabog na naglakad ako papasok ng aming bahay. Binuksan ko ang pinto at dire-diretsong naglakad hanggang sa aking kuwarto.

I won't ever like him! Period.





















I'm In love with a MonsterOù les histoires vivent. Découvrez maintenant